BBM 53%, SURVEY TRAJECTORY PATAAS PA;  LENI, 16.75%

MAHIGIT dalawang buwan na lang bago ang halalan sa Mayo, na­panatili ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang lamang sa mga katunggali matapos makapagtala ng 53 porsiyentong preference rating sa pinakahuling Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Pebrero 9-15.

Ang survey na isinagawa sa 2,400 respondents nitong umpisa ng campaign period para sa mga national position ay may margin of error na 3.0% + – at may “confidence level na lagpas sa 98%.”

Malayong nasa pangalawa si Robredo na may 16.75%. Pangatlo si Isko Domagoso na may 11.25%. , habang si Ping Lacson ang pang-apat na may 8.75 % at si Manny Pacquiao sa pang-lima na may 6%.

Lamang din si Marcos sa lahat ng rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bilang sa Mindanao na mayroong 56 porsyento kumpara sa 11 porsiyento ni Robredo.

Ang numerong 53 porsiyento ni Marcos ay mas mataas pa ng dalawang porsyento sa hu­ling Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng The Center noong Enero 10-16.

Sa pinakahuling survey, si Marcos din ang nanguna sa NCR na mayroong 51 porsyento, sa Luzon, 53 porsiyento at sa Visayas, 52 porsyento. Pangalawa rin si Robredo sa NCR, 20 porsiyento, Luzon, 19 porsyento at Visayas, 17 porsiyento.

Si Marcos din ang nanguna sa lahat ng antas ng social class, nakakuha siya ng 43 porsiyento sa ABC class, 45 porsiyento sa class D at 40 porsiyento sa Class E.

Ayon kay The Center Director Ed Malay, ang patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa survey ay nagpapakita na posibleng siya na ang mana­nalo sa darating na halalan.

“With all the mudslinging and disparagement thrown at former Sen. Bongbong Marcos, any ordinary mortal would have either wilted or ran away from the battlefield,” ani Malaya

“But BBM as he is called by associates chose to ignore the vitriol and the verbal abuse and for some inexplicable reason he remains on top of the presidential race with a pre-poll survey rating that has been described as phenomenal,” dagdag niya.

“Never in the history of Philippine politics had there been a presidential aspirant who is credited with a +50% rating in the pre-poll survey. In fact, Laylo Research Strategies in their January 2022 survey even showed BBM on top with 64%,” giit pa niya.

Sa karera naman sa pagka-bise presidente, nangunguna pa rin ang katambal ni Marcos na si Inday Sara Durerte na nakakuha ng 54 porsiyento, habang si Vicente Sotto III naman ay mayroong 25 porsyento.

Pangatlo si Willie Ong, 11%, Francisco “Kiko” Pangilinan pang-apat, 4%, Joselito Atienza pang-lima, 2% at Walden Bello ang nasa dulo na may .5% habang 3.5% naman ang nananatiling undecided.

Ipinaliwanag naman ni Malay na ang kanilang survey ay gumamit ng pinagsamang tradisyunal na “face-to-face multistage probability sampling” at digital tools bilang pagsunod pa rin sa mga health protocols.

Ang mga respon­dent naman ay kinuha sa  registered voters sa iba’t -ibang panig ng bansa.

“The Center employed the commonly used MSAP method or the multi-stage area sampling with the skip interval of at least five houses to obviate any bias in the data extraction,” ani Malay.