BBM #7 SA BALOTA WALA NANG IBA!

BBM FEB 15

HINDI dapat malito ang milyon-milyong tagasuporta ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., dahil ang numero nito sa balota ay 7 (siyete) at wala nang iba.

Ito ang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos, matapos maglabas ng pahayag para batikusin ang maruming paraan ng mga kalaban upang lituhin ang numero ni BBM sa balota.

“We denounce in the strongest possible terms the attempt to mislead and deceive the Filipino voting population with the assigning of another number for presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. in sample ballots and tarpaulins, which are being distributed in certain communities and displayed in public places,” ani Rodriguez.

“The evil intention behind the deception is clearly to steal from Marcos Jr.’s overwhelming lead in the presidential race — his historic preferential rating shown in all the reputable national surveys confirm that the vast majority of Filipinos prefer him to become the next president of the country,” sabi pa niya.

Inilabas ang pahayag na ito sa gitna ng panlilito at panlilinlang na ginagawa ng katunggali ni Marcos para makahikayat ng boto pabor sa kanila sa mali at panlolokong paraan!

“The sample ballot should have been to guide the public. In this instance however, whoever is behind it, intends to make BBM supporters remember the wrong number. Marcos Jr.’s official number on the ballot is #7,” wika pa ni Rodriguez.

Kasabay nito, nanawagan ang kampo ni Marcos sa lahat ng mga tagasuporta sa loob at labas ng bansa na ipakalat ang mensaheng ang numero ni Marcos sa balota ay numero 7 (siyete) at wala nang iba!

Sa ganitong paraan lamang aniya malalabanan ang maruming taktika ng mga kalaban na mga desperado na dahil apat na araw na lang ay iboboto na ng mayorya ng sambayanang Pilipino si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas.

“We should spread the word: Marcos Jr. is Number 7 on the ballot. Let us protect the next president by ascertaining and protecting our votes,” pagtatapos pa ni Rodriguez.