BBM: ANG MAPAGKAISA ANG BANSA ANG TUNAY NA TAGUMPAY

BBM NOV 2

PARA kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. masasabi lang niya na tunay na naging matagumpay ang BBM-Sara UniTeam sa oras na ang kanilang panawagan ng pagkakaisa ay nakarating na at tinanggap ng mamamayang Pilipino sa bawat sulok at aspeto ng lipunan.

Ito ang kanyang sinabi matapos na magpahayag ng suporta ang mga tao at lokal na opisyal ng Negros Occidental sa UniTeam nang dumalaw siya sa Panay Island kamakailan.

Ayon kay Bongbong, ang UniTeam ay nakatuon na mabigyan ang mga Pilipino ng mas magandang buhay sa pamamagitan ng pagtugon sa mga problemang dulot ng pandemya, lalo na ang pagkawala ng mga trabaho at pagpapasigla muli ng ekonomiya.

“We always talk about success in the elections, well, of course, that is very important, but the real success will be when we can say na pinagkaisa natin ang sambayanan and that is the first step to put people back to work, to bring our economy to better position than it has ever been before,” sabi niya sa isang pulong kasama ang mga lokal na opisyal ng Bacolod City.

“We, hopefully, will lead the people to that vision of unity as well, ‘di lang sa pulitika kundi pati sa lipunan. That I think will be the ultimate success,” dagdag nito.

Ayon kay Vice Governor Jeffrey Ferrer, nasa 28 siyudad at municipal mayors, at anim na kongresista ang pawang solid na sumusuporta sa panawagan ng UniTeam para sa pagkakaisa.

“We are confident here (in Negros) that your team, UniTeam( will win), we will deliver,” sabi ni Ferrer.

Dagdag niya, “unity” o pagkakaisa ang tamang salita upang mailarawan ang ‘di matinag na tambalan.

“Unity is the right term because Inday Sara coming from the South and then BBM coming from the North, so very united,” sabi ni Ferrer.

Sabi ni Ferrer, galak na galak ang mga opisyales na makita ang UniTeam.

He also said that the mayors were all overwhelmed and eager to meet the UniTeam.

Ayon kay Municipality of Toboso Mayor Richard Jaojoco, si Bongbong ay isang charismatic leader na may magandang plano para sa kinabukasan ng bansa.

“We are here for the UniTeam, nakita natin na ito ‘yung makakapag-ahon sa atin — ‘yung team ni Mayor Sara at BBM. Kagaya ngayong nasa pandemya tayo, nakita ko ‘yung clear na mga nagawa na nila at alam kong pulido ‘yung plano nila and hopefully we are going for the win,” sabi nito.

“We go for the UniTeam. Actually, iba sinuportahan namin (noong 2016), ngayon baliktarin ko magiging 90-10 in favor of BBM,” dagdag pa niya.

Samantala, para kay Pontevedra Mayor Jose Maria Alonso napapanahon ang panawagang pagkakaisa ng UniTeam.

“Ang plano niya is timely ngayon kasi we need to unite as a nation kaya siya ang tingin namin na unifying factor. Ok lang ‘yung iba bahala na sila doon. Majority of the people wanted unity,” sabi ni Alonso.

Ang kanyang kapatid naman na si Board Member Jose Benito Alonso ay naniniwalang pagkakaisa din ang kailangan upang umunlad ang bansa.

“Para sa amin, ‘yung UniTeam ang makakapag-angat sa ating Pilipinas. Ever since, Marcos loyalist kami,” sabi ng dalawang opisyal.

Si La Castellana Mayor Rhumyla Nicor-Manglimutan na isa sa mga miyembro ng Sara Run Movement ay naniniwala rin na tama ang naging desisyon ni Sara na piliin si Bongbong na kanyang presidente.

“I am one of those in Sara Run Movement, then Sara decided to run for vice president, and she supported BBM. My father, a former mayor, is a Marcos believer. The call of president BBM is for unity, and we have to start from unity so that we can do more things. I believe he has the political will to run our country,” ayon kay Manglimutan.

“The presidency is the highest position in the country so dapat piliin natin ang taong firm ang paninindigan. I will support him for the win,” wika pa nito.

Matapos ang meeting sa mga opisyal at hinarap naman ng UniTeam ang tatlong grupo ng sugar planters sa probinsiya.

Ito ang United Sugar Producers Federation (UNIFED), the Asociacion de Agricultores de La Carlota y Pontevedra Inc. (AALCPI), at Kabankalan United Sugar Planters Association (Kusug-Pa) upang pag-usapan ang kanilang mga hinaing at makinig sa kanilang mga rekomendasyon kung paano mapapabuti pa ang kanilang industriya.

Nagpasalamat si Bongbong sa mainit na pagtanggap at suporta ng probinsiya para sa UniTeam.

“Maraming, maraming salamat sa inyo. As I said, I’m quite overwhelmed with this expression of support, and I thank you all for coming and meeting us and giving us an opportunity to be with you all and for us to hear that we have begun to come together,” sabi nito.

“I’m always humbled by this expression of support,” dagdag pa ni Bongbong.