BBM APRUB ANG 10-POINT AGENDA NG COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

BBM 2

KINILALA ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang kagalingan, kahusayan, pagtitiyaga, talino’t sakripisyo ng mga guro at miyembro ng academe sa bansa.

Aniya ginagawa nila ito upang makapagsanay ng mga kabataan at mag-aaral na balang araw ay magiging mahusay at kayang makipagsabayan sa ibang mga lahi sa mga larangan na kanilang pinili.

Kaugnay nito ay iniharap sa kanya ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang 10-point agenda na may layuning higit pang mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa 14-pahinang sulat na ipinadala ni CHED Commissioner Ronald L. Adamat kay Marcos, inisa-isa nito ang nilalaman ng kanilang ‘10 -Point Agenda for Higher Education-Build.Bind.Minds for Sustainable Development.’

“It should be noted that the said 10-point agenda is focused on addressing the country’s human resources needs, developing globally competent professionals and lifelong learning with a niche in both local and global markets,” ani Adamat.

Naglalaman ito ng Learning Infrastructure in the New Normal, Seamless Career Pathways and Academic Progression, Fire-Driven Skills & Competencies, HEI & LGU ‘Glocal’ HRD Networks, Inclusivity & Accessibility.

Kasama rin ang Sustainable & Mission-driven Governance, Quality Assured & Relevantized HiEd programs, International & future-proof HE system at Data driven Tri-fold HiEd.

Ayon kay Adamat, parte ng learning infrastructure sa new normal ang pagtayo ng isang state-of-the-art infrastructure & facilities para sa higher education, palakasin ang Sistema ng flexible learning sa ilalim ng new normal, pagpapalakas sa distance and transnational education, at pagkilala sa mga bagong progama sa pagtuturo.

Sinabi ng CHED official na dapat ding magtatag ng Philippine Qualification Authority (PQA) at lifelong learning center.

Dapat aniya ay magpatupad din ng ‘credit transfer system’ na ang prayoridad ay pagpapalakas sa disiplina at ladderized education programs.

Nais din ng CHED na mag-develop ng graduates para  sa job creators, knowledge generators, professionals, & entrepreneurs, develop and support 4th IR-responsive programs na naka-angkla sa digital transformation (AI, IOT, DSA, etc.), higit pa ang pagpapalakas ng English language proficiency bilang paghahanda sa kanilang trabaho.

Idinagdag nila na mahalagang palakasin at buhusan ang pondo para sa scholarships grant, gayundin ang  advance OFW qualifications para sa global recognition, at kakayahang makahanap ng trabaho dito sa bansa at maging sa abroad.

Inirekomenda rin nila na dapat ay magtayo ng National Agriculture and Food Security Academy (NAFSA) para sa pagpapalakas ng produksyon ng pagkain at food security.