BBM FOR PRESIDENT? PUWEDE! (Suporta bumuhos sa social media ng National Press Club)

BUKAS si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa posibilidad ng pagtakbo sa 2022 presidential election.

Sa media forum ng National Press Club via Zoom nitong Biyernes, inihayag ni Marcos na nasa proseso pa siya ng pag-aaral at malalim na pinag-iisipan ang magiging hakbang para sa susunod na halalan.

Kasabay nito, tiniyak ng dating senador na tatakbo siya sa 2022 elections.

Bukas din, aniya siya sa posibleng tandem kay presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, maging kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ngunit, ayon kay Marcos, bagaman nagkita at nagkausap sila ni Duterte-Carpio noong Mayo ay hindi naman nila napag-usapan ang posibleng tambalan.

Inilarawan ng kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos ang kanilang pakikipagkita noon sa alkalde sa Davao City bilang isang ‘social gathering’ at walang usapan hinggil sa pulitika.

Kamakailan ay pumangalawa si BBM sa survey na isinagawa ng OCTA Research at halos magkadikit sila ng nangungunang presidential bet na si Duterte-Carpio.

Lumabas ang resulta matapos ang pahayag ni Marcos na siguradong tatakbo siyang presidente kung makikita ang solidong suporta ng mamamayan.

Nabatid din na sinimulan na ni BBM na ayusin at palakasin ang kanyang puwersa bilang paghahanda.

Sa kasalukuyan ay abala rin ang dating senador sa paghahatid ng ayuda sa iba’t ibang sektor ng lipunan, partikular sa mga labis na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.

Marcos pa rin!

Samantala, sa nasabing media forum ay dumagsa ang mga supporter ni BBM na pawang nagpahayag ng kanilang mainit na pagtanggap sa posibilidad ng pagsabak nito sa pampanguluhang halalan.

Ang mga salitang “Marcos pa rin” at “BBM sa 2022” ang nangibabaw na komento ng mga ito.

“Go for the presidency! You are the right candidate and we will be with you all the way,” ang post ni Mervynand Virginia Enciso Espadero.

“That’s right Apo BBM. We need a great leader like you that seeks to unite not to divide,” comment naman ni Maria Fe Espiritu.

4 thoughts on “BBM FOR PRESIDENT? PUWEDE! (Suporta bumuhos sa social media ng National Press Club)”

Comments are closed.