IGINIIT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itutuloy niya ang pag vlog kahit pa maupo na ito sa pinakamataas na posisyon.
Aniya, itutuloy niya ang kanyang vlog para maging updated ang publiko sa kanyang mga aktibidad.
“Ipagpapatuloy talaga namin ‘yang vlog na ito. Every so often, mayroon tayong paliwanag doon sa ating ginagawa para hindi lamang sa pahayagan ang inyong nagiging balita, kung hindi pati na from the horse’s mouth, ‘ika nga,” sinabi ni Marcos.
“Kailangan ko talagang ipaliwanag kung ano ang aming mga ginagawa… ipaalam sa inyo kung ano ba sa inyong palagay ang tama na dapat gawin at kung ano pa… at marinig ang inyong comment kung ano pa ang mga kakulangan na dapat tugunan,” dagdag pa niya.
Ito ang naging reaksyon ni Marcos matapos tanungin ng follower kung itutuloy niya ang vlog sa kabila ng busy schedule bilang pangulo. LIZA SORIANO