BBM KONTRA SA DAGDAG NA BUWIS

BBM FEB 15

HINDI pabor si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na lapatan pa ng panibagong buwis ang taumbayan dahil hindi  napapanahon ito at hindi rin makatao.

“Depends on what sector and in what area but if it’s going to be, if the brunt of it is going to be felt by the consumer( general public), I would not be very partial to that for the simple reason na hirap na hirap na ang mga tao, wag mo nang dagdagan ang bigat….hirap na hirap na ang mga tao,” ani Marcos.

Ang pahayag na ito ni Marcos ay sinabi sa one -on- one interview sa kanya ni veteran broadcast journalist Ruth Cabal sa programang In Private na ini-ere sa CNN Philippines at social media nitong nakalipas na Martes ng gabi, April 26.

Sinabi ni Marcos na mahalaga ang buwis upang mapagkunan ng pondo ng pamahalaan.

Ngunit kung ang magsasakripisyo nito ay maliliit na mamamayan, hindi siya pabor na mangyari ito, sakaling manalo sa darating na halalan.

Maraming na aniyang problema ang bansa.

Una na rito ang bagsak na ekonomya na lalong pinadapa likha ng pandemya.

“Everywhere you look… then our educational system we really have to fix it very, very (quick)… We have to support the teachers more and when I talk about support not just the suweldo, not just the benefits, it’s also the training because, you know, the technologies, the new thinking is moving so quickly,” ani Marcos.

“The teachers should have the benefit of knowing all of that para maituro nila sa bata para yung kabataan natin pag graduate eh talagang magandang pagkakatuto,” sabi pa nito.

Naniniwala si Marcos na napapanahon din na dagdagan ang scholarship program ng pamahalaan at kung siya ang masusunod, ang iba’t i-bang ahensiya mismo ang mangunguna para ipatupad ito.

“The agencies should have scholarship programs like the DA will have scholarship programs for agronomist and agriculturist and hydrologists —  yung mga kailangan nilang experts yung ganon. If we need engineers for the energy side, we need for the DOJ, we need for good lawyers, we have to improve the bureaucracy, we have to improve the quality of public service,” dagdag pa nito.