BBM NAGPASALAMAT SA PAG-ENDORSO NG PDP LABAN

NANINIWALA si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ang pag-endorso sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP- Laban) ay mahalagang hakbang tungo sa matagal nang inaasam ng UniTeam na tuluyang pagkaisahin ang bansa.

“Ang bagong development na ito will consolidate the forces of unity so that we can continue to work against those who would want to divide Filipinos against each other,” ani Marcos sa ambush interview sa campaign sortie sa Cavite.

“That is what we have been campaigning for and that is our message, and that is our dream, that we bring the country together,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Marcos na ang pag-endorso sa kanya ay nagpatunay ng maganda niyang relasyon sa PDP-Laban.

“This is an important step in that regard, maraming-maraming salamat sa PDP at sa lahat ng kanyang miyembro. I look forward to working with them,” saad ni Marcos.

“Magkakaibigan naman talaga kaming lahat parang na-formalize lang ang aming relation, our personal relationships with the PDP-Laban,” dagdag niya.

Pormal na inanunsiyo ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP LABAN ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Marcos, Jr. araw ng Martes sa Quezon City.

Kinumpirma ni Alfonso Cusi, Presidente ng PDP Laban na si BBM ang kanilang dadalhin at susuportahan sa darating na halalan.

Base sa Resolution to endorse the candidacy ng PDP Laban, nakuha ni Marcos Jr. ang karamihan sa endorsement sa kanilang hanay tulad ng Local Council sa Ilocos Sur, La Union, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Batangas, Laguna, Quezon, Rizal, Oriental Mindoro, Camarines Norte, Masbate, Aklan Negros Occidental, Leyte, Southern Leyte, Zambo­anga del Sur, Davao del Sur, North Cotabato, Ormoc City maging ang karamihan sa lungsod ng Metro Manila kailangan ang Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Pasay, Parañaque, San Juan, at Valenzuela.

Ayon sa PDP Laban, si BBM lamang sa mga natatanging kandidato ang nakitaan nila ng plataporma kahalintulad ng kay Pangulong Rodrigo Duterte at gustong ipagpatuloy ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Sakaling maluklok sa puwesto si BBM, makakatulong umano ito sa 11 agenda ng PDP Laban kabilang ang mga sumusunod.

  1. Pagsugpo sa korupsiyon
  2. Pagsugpo sa kahirapan
  3. Pagpapatibay sa kapayapaan
  4. Pagsugpo sa tero­rismo, komunista
  5. Pagpapalakas ng kabuhayan
  6. Pagpapalakas ng depensa sa loob at labas ng bansa
  7. Maraming trabaho
  8. Maayos na edukasyon

9.Pagpapalakas sa local na pamahalaan

10.Pag-ahon sa pan­demya

  1. Pagsulong ng Fe­deralismo

Matatandaan na noong Disyembre 1, 2021 ay inen­dorso nila si Mayor Sara Duterte bilang running mate o Bise Presidente ni Bong Bong Marcos.

Samantala, pito na ang napili ng PDP Laban na susuportahan nilang kandidato sa Senado sa katauhan nina

Greco Belgica (09), John Castriciones (13), Rey Langit (39), Rodante Marcoleta (43), Robin Padilla (49), Salvador Sal Panelo (50) at Astra Pimentel (51). (May dagdag na ulat ni MARIA THERESA BRIONES)