NANGUNGUNA si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race, batay sa partial and unofficial results ng 2022 national and local elections nitong Lunes.
Batay sa Comelec data, hanggang 8:47 ng gabi, Mayo 9, 2022, si Marcos Jr., standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ay nakakuha ng 18,975,119 boto, base sa 57.77 porsiyento ng partial, unofficial election results.
Dahil dito, nalampasan ni Marcos Jr. ang record-number 16 million votes na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Si Vice President Leni Robredo, ang pinakamalapit na karibal ni Marcos Jr., ay nasa pangalawang puwesto, na nakakuha ng 8,979,607 boto sa ngayon.
Si Sen. Manny Pacquiao ay pumangatlo sa 1,639,535 boto, sumunod si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 1,268,386 boto, at Sen. Panfilo Lacson sa 607,251 boto.
Si Faisal Mangondato sa ikaanim sa 73,536 boto, kasunod si former presidential spokesperson Ernesto Abella at 57,463 boto naman kay labor leader Leody de Guzman sa 51,952 boto si dating defense secretary Norberto Gonzales ay nakakuha ng 47,179 boto.