NAGING matagumpay ang unang pulong ng mga supporter ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. o ng BBM National Leaders Alliances Convention na ginanap sa Marriot Hotel, Clark, Pampanga nitong Pebrero 25.
Ang nasabing general assembly ng mga lider na mula sa iba’t ibang lalawigan ay pinangasiwaan ni Atty. Thorrsson M. Keith, ang Pangulo ng samahan na siya ring naghayag ng pambungad na mensahe habang punong abala ang Treasurer na si Michelle Sia.
Kabilang sa guest speakers sa nasabing okasyon sina OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar na nagpahayag ng patuloy na suporta kay PBBM gayundin din si Partido Federal ng Pilipinas Chairman Atty. Alexander M. Lopez at Atty. Larry Gadon, political alliance ni PBBM.
Dahil sa suportang ibinigay kay PBBM nabigyan ang bawat lider ng Katibayan ng Pagkilala.
Sa talumpati naman ni Atty. Gadon, hinimok nito ang lahat na suportahan ang mga proyekto ng Marcos administration para sa economic recovery at gaya aniya ng ginawa ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. patungo sa pag-unlad sana ang Pilipinas dahil sa mga proyektong imprastraktura.
Ibinida rin ni Gadon na ang mga infra projects ni FEM ay sadyang mabuti para sa ekonomiya ng Pilipinas at ang mga Light Rail Transit na nagagamit sa kasalukuyan ay isa lamang sa proyektong may walang hanggang pakinabang.
EUNICE CELARIO