(BBM patuloy na dinadagsa ng envoys) 50K TRABAHO MULA SA GREEN ENERGY SECTOR

HALOS dalawang linggo bago pormal na manungkulan, patuloy na tumatanggap si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ng mas maraming miyembro ng diplomatic community na nagsasagawa ng mga produktibong pagpupulong kasama ang mga dayuhang dignitaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Noong Miyerkoles, ang mga highlight ng courtesy calls ay kasama ang pakikipagtulungan sa mga tugon sa pagbabago ng klima, renewable energy, at pagpapabuti ng produksiyon ng pagkain sa pamamagitan ng mga pagpapaunlad ng agrikultura, at edukasyon.

Sa media briefing matapos ang courtesy call, inihayag ni Bjorn Jahnsen, Ambassador ng Norway, na tinalakay ang climate change at renewable energy, kasabay ng pag-imbita kay Marcos sa isang conference na kanilang inaayos kaugnay sa Maritime and Energy issues.

“So, the main topic of our conversation was climate change and renewable energy, Norway has taken investments in the Philippines in renewable energy, and more companies and more investments will come in the coming years,” anito.

Inihayag pa ng envoy na plano ng Norway na dagdagan ang imprint nito sa renewable energy sa bansa sa pamamagitan ng pagdadala ng teknolohiya para sa paggamit ng mga mapagkukunan ng enerhiya tulad ng offshore winds, floating solar, at hydro.

“I mentioned to the President-elect that according to a study by the World Bank, the world map on offshore winds in the Philippines, which we think will be an important new sector in the country, presents great opportunities for the Philippines in the future,” dagdag ni Jahnsen.

“The World Bank talks about up to 50,000 jobs, well-paid jobs for Filipinos, if you are successful in developing this new sector,” magandang balita ng envoy.

“Offshore wind is basically, the best wind resources in the Philippines…Norway had one of the biggest projects of this… and this is a great opportunity for the Philippines for a plenty supply of energy,” kanya pang paliwanag.

Dadalhin din Norway ang 100-year-old na barko ngayong Oktubre. Lulan nito ang mga kadeteng Pilipino.

Para naman kay Juha Markus Pyykko, Ambassador ng Finland, siya at ang incoming President ay nagkaroon ng very, very useful constructive fruitful meeting”.

Tinalakay nila ang mga isyu tulad ng ekonomiya, karapatang pantao, sitwasyon sa rehiyon ng Indo-Pacific, pagbabago ng klima, digitalization, edukasyon, at ang patuloy na digmaang Russia-Ukraine.
Bukod sa pagpapahayag ng pasasalamat sa kontribusyon ng Filipino community sa Finland sa kanilang lipunan, iminungkahi rin ng ambassador na muling buhayin ang bilateral dialogue sa mga patakarang pang-edukasyon at digitalization, lalo na sa edukasyon.

Samantala, sinabi ni Dr. Titanilla Toth, Ambassador ng Hungary, na inaasahan niyang palawakin ang kooperasyon sa pagitan ng Hungary at Pilipinas sa larangan ng agrikultura, teknolohiya ng tubig, at edukasyon, at idinagdag na makakapagbigay sila ng mas maraming scholarship para sa mga Pilipino.

Idinagdag niya na inaasahan din ng Hungary na magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga skilled Filipino workers sa sektor ng hospitality tulad ng mga hotel at gayundin sa mga pabrika.

Sa kabilang banda, si Raduta Dana Matache, Ambassador ng Romania, na mahalaga ang kanyang pakikipagpulong kay Marcos, at idinagdag na ang kanyang mainit na pagtanggap sa mga diplomatic corps ay nagpapadala ng isang malakas na mensahe na ang Pilipinas ay bukas sa pakikipagtulungan sa buong mundo.

Sinabi ni Matache na sa pagdiriwang ng Pilipinas at Romania ng isang mahalagang milestone ngayong taon – 50 taon ng pagkakaroon ng diplomatikong relasyon, at napag-usapan niya at ng hinirang na Pangulo ang mga lugar kung saan mapapabuti pa ang kooperasyon kasama ang agrikultura na tumtugon sa food crisis; energy; education; at kultura.

“Everybody in the world is interested in how to expand the use of clean energies, and I believe we have agreed that there is ample room for cooperation in this area. We touched upon several other issues like the regional context in the Philippines and Romania,” dagdag ng ambassador.

Nag-courtesy call din kay Marcos sina Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, Ambassador ng South Africa.