BBM POLL PROTEST 1,000 ARAW NA!

Bongbong

GAPANG pa rin para sa mailap na hustisya kahit may pruweba na ang dayaan sa ARMM polls.

“The quest for justice is never easy but with the truth on our side and with the millions of Filipinos who put their trust in me, I am determined more than ever to continue the fight for clean elections.”

Ito ang naging pahayag ni dating Senador  Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. sa pagsapit ng ika-1,000 araw ng kanyang election protest na kasalukuyang nakabimbin sa  Supreme Court, na umuupong  Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sa ikalawang pagkakataon, magmula noong Disyembre 2018, hiniling ni  Marcos sa PET na pagbigyan ang kanyang Motion at atasan ang Commission on Elections (Comelec) na isumite ang  findings sa technical examination ng Election Returns (ERs) at Election Day Computerized Voters’ Lists (EDVCLs) na inis­yal na isinagawa sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur at ­Maguindanao.

Sa 12-pahinang Reply with Urgent Motion to Resolve Protestant’s Omnibus Motion, sinabi ni Marcos sa pamamagitan ng kanyang abogadong si George Erwin Garcia na kagyat nang kailangan na ituloy ang  technical examination ng mga nalalabing  pre­sinto sa naturang tatlong lalawigan, lalo na’t nakakita na ang Comelec ng ebidensiya ng malawakang  election fraud sa nabanggit na mga lugar.

“With all due respect, it would be the height of injustice if this Honorable Tribunal simply turned a blind eye on the MASSIVE SUBSTITUTED VOTING which attended the 2016 National, Local and ARMM Elections in the provinces of Maguindanao, Lanao del Sur and Basilan,” ani Marcos.

Ang Voters Identification Division ng Comelec-Election Record and Statistics Department ay umaaksiyon  sa election protest ni da­ting Sulu Vice Governor AbdusakurTan laban kay ARMM Governor Mujiv Hataman, ay naunang nagsagawa ng technical examination sa election results ng tatlong ARMM provinces.

Natuklasan nito na sa 508 established precincts, may 40,528 signatures at  3,295 thumbprints sa EDVCLs ang hindi kapareho sa Voters’ Registration Receipts.

Dahil sa nakaaalarmang  bilang ng fake signatures, hiniling ni Marcos sa  PET na atasan ang Comelec na isumite ang kopya ng findings nito sa High Tribunal, subalit tumanggi ang poll body at sinabing “the same violated the ‘sub judice’  rule.

Hiniling din ni Marcos sa SC na atasan ang Comelec na magsagawa ng technical examination para sa nalalabing mga presinto sa mga lugar na ito.

Ani Marcos, ang revision of votes sa Camarines Sur, ­Negros Oriental at Iloilo ay hiwalay at naiiba sa technical examination ng tatlong lalawigan sa ARMM na humihiling na ipa­walang-bisa ang resulta ng eleksiyon dahil sa karahasan, terorismo, pre-shading ng mga balota at ng massive substitution of voters.

Inamin ni Marcos na may mga panahong pakiramdam niya ay nais na niyang sumuko, lalo na kapag may ‘undue delays’ ng kanyang election protest.

Gayunman ay agad niyang isinasaisantabi ang kanyang emosyon kapag nakikita niya kung paano nagdusa  ang bansa  at nagdu-rusa dahil iniluklok ng isang ‘eschewed election system’ ang taong malinaw na hindi ibinoto ng mga tao.

“More than a thousand days have passed since Marcos filed his election protest in 29 June 2016.  So much has happened in this period of time.  We are now in the middle of the campaign period for the next election.  The May 13, 2019 elections is barely 7 weeks away and we still do not know the true results of the last election.  Everyone will agree that three years is way too long to wait for the true results of something as important as the second highest position in the country.  The voters want their votes to be counted.  They expect no less,” pagtatapos ni Marcos sa kanyang Motion.

Comments are closed.