BBM QUALIFIED NA TUMAKBONG PRESIDENTE -COMELEC

KUWALIPIKADONG tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ito ang nakasaad sa limang pahinang  tugon  sa summons na inisyu  ng Commission on Elections kaugnay sa petisyon para kanselahin ang  Certificate of Candidacy ni Marcos.

Hiniling ni Marcos, sa pamamagitan ng abogadong si  Estelito Mendoza, na agad na madismis ang petisyon at dinggin ito nang harapan o face-to-face argument sa halip na virtual o video confe­rence.

“Wherefore, it is respectfully prayed that the petition be dismissed. On the matter of hearing the petition, considering that the petition refers to the highest elective position in government and calls for the participation of the people in general, [it is respectfully prayed] that the petition be heard by face-to-face argument instead of a virtual or video conference,” ang apela ni Marcos.

Nag-ugat ang kaso sa petisyon na kanselahin ang CoC ni Marcos na inihain ni Fr. Christian Buenafe at ilang iba pa, na nagsasaad  na ang dating senador ay hindi maaaring tumakbo para sa pampublikong tanggapan  dahil siya ay nahatulan ng hukuman sa Quezon City dahil sa kanyang maraming pagkabigo na maghain ng  income tax return (ITR) mula 1982 hanggang 1985.

Giit pa ng mga ito na ang kanyang conviction  ay nagdi-disqualify sa kanya mula sa  anumang pampublikong opisina dahil sa  pagkakasangkot sa moral turpitude.

Ngunit tinutulan ito ng kampo ni Marcos, sa pamamagitan ni Mendoza, sa pagsasabing ang petisyon ay magpapakita na ito ay “wala ng anumang partikular na alegasyon ng isang materyal na representasyon na kinakailangan sa ilalim ng Seksyon 74 ng Omnibus Election Code.”

“It is relevant and the commission can take judicial notice, that respondent had previously been elected to several elective positions in government specifically inter alia provincial governor of Ilocos Norte, member of the House of Representatives, and member of the Philippine Se­nate,” pagbibigay diin ni Mendoza.

Taking into account the qualifications of the various elective positions he has been elected to and occupied as enumerated, he said,

Isinasaalang-alang ang mga kwalipikasyon nito sa iba’t ibang mga elective position,sinabi na

“It is of judicial notice that the respondent [Marcos] has all the qualifications of a President under Section 2, Article VII of the Constitution and consequently there can be no violation of Section 78 in relation of Section 74 of the Omnibus Election Code upon which a petition such as the one now before the commission.”

Sa kaparehong ba­sehan lamang, ayon sa abogado, ang petisyon ay nararapat na tahasan na ibasura.

Binigyang diin ni Mendoza na walang mabigat na krimen na kinasangkutan o moral  lturpitude.

“[What] is clear and certainly beyond dispute is that the [Court of Appeals] CA decision does not, and no inference can be made from its decision that [Marcos], BBM in this case, has been found by the CA of committing a crime involving moral turpitude,” dagdag nito.