BBM-SARA UNITEAM: DAGDAG RUTA SA MGA RO-RO MAGPAPABILIS NG RESPONDE SA KALAMIDAD

BBM-SARA

ITUTULAK ng BBM-Sara UniTeam na mapalawak ang Roll-On/Roll-Off (Ro-Ro) Terminal System ng bansa upang pabilisin ang pagtugon at pagbibigay ng tulong sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad.

Sinabi ni dating Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na dahil sa pagiging arkipelago ng bansa, kakailanganin ng mas epektibong paraan ng pamamahagi sa mga tulong gaya ng relief goods at heavy equipment.

“The country’s unique archipelagic layout is a challenge when it comes to disaster response. Island municipalities can be easily isolated for days, with help only being sent via airdrops and only in small quantities. We believe that by having more Ro-Ro routes, we can send help faster to these affected communities,” ayon sa kanya.

Tinatawag din na Philippine Nautical Highway System, ito ay isang network ng mga mga ruta ng barko na nag-uugnay sa mga pangunahing isla ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Binuksan ito sa publiko noong 2003 sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Typhoon Odette has really devastated some parts of the country. We have seen this with our own eyes on the ground. Apart from providing food to the people, we need to restore electricity and telecommunications services, dagdag pa ni Marcos.

“This can only be made possible by swift clearing operations using heavy and specialized equipment that at times need to be sourced outside of the disaster areas. This is the time when our Ro-Ro network can help,” diin pa niya.

Sinabi rin ng tambalang BBM-Sara na agad kumilos ang volunteer network nito sa buong bansa para magpadala ng tulong sa mga lugar na tinamaan ng Super Typhoon ‘Odette.’

Noong Linggo, pumunta si Marcos Jr. sa Southern Leyte, Butuan, Bohol at Cebu para ipamahagi ang tulong sa mga apektadong komunidad.

Ipinagpatuloy ng UniTeam ang kanilang relief mission sa Siargao, Capiz, Negros Occidental at Masbate.

Dahil sa inspirasyon ng UniTeam’s relief efforts, ilang volunteer groups rin ang nagsimulang magsagawa ng feeding programs sa mga komunidad na nasalanta ng sakuna gaya ng sa Iloilo, ayon sa mga posts sa social media.