BBM-SARA UNITEAM HQ TULOY ANG OPERATIONS

ANG BBM-Sara Uni­Team headquarters ay magpapatuloy sa operasyon ngayong Lunes, Enero 17, 2022, kasunod ng dalawang linggong pagsasara matapos ma­raming ka­wani at volunteers ang nagpositibo sa Covid19.

Gayom pa man ay limitado lamang para sa  staff na nag-negative  sa  RT-PCR tests.

“To avoid further health complications, NO WALK-IN in guests, non-staff and volunteers of parallel groups are allowed for now until further notice,” ayon kay  BBM Chief of Staff Atty. Vic Rodriguez.

Sa naunang anunsiyo nito, iniulat ng UniTeam na higit sa 30 kawani ang una nang nagpositibo sa Covid19, ngunit ang bilang na ito ay tumaas pa sa 68 kapag nagsagawa ng RT-PCR tests sa buong pasilidad.

Para sa kaligtasan ng mga tauhan, boluntaryo, at publiko, ipinag-utos ni UniTeam presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang lockdown sa pasilidad. Ang mga tauhan at boluntaryo noon ay abala pa sa paghahanda at pag-uugnay ng mga relief efforts para sa mga lugar na tinamaan ng Super Typhoon Odette.

Gayundin, bago ang pagsasara, ang tanggapan ng UniTeam ay naghanda na ng mga kailangan laban sa  Covid19 tulad ng mga bitamina, face mask, face shield, at iba pang mga medikal na suplay para ipa­mahagi sa mga ospital at pasilidad na medikal.

Sa kabila ng pangyayari ay  sinabi ni Atty. Sinabi ni Rodriguez na dodoblehin ng UniTeam ang pagsisikap nito sa pagpapadala ng mga relief goods at Covid19 kits.

Tiniyak din ni Rodriguez sa publiko na ang nagsagawa ng disinfection sa buong punong-tanggapan at ang mga empleyadong pumapasok  sa trabaho ay may mga negatibong resulta sa kanilang mga RT-PCR test na ginawa.

“We assure the public that professionals have thoroughly cleaned our offices.  A strict health protocol is also in place to ensure that everyone working in the facility is safe,”  stressed Atty. Rodriguez.

“We also wish to thank everyone who prayed for and posted messages of support to our staffers and the entire UniTeam.  It lifted our spirits during that time.  Thank you po sa inyong lahat,”  dagdag nito.

Mismong si Atty. Rodriguez, ay nag-positive sa virus at gumaling na nang walang komplikasyon.