BBM-SARA UNITEAM PLANONG GAWING  ‘BANTAY DAGAT’ ANG MGA BADJAO

NANINIWALA ang BBM-Sara UniTeam na ang mga Badjao na kilalang mga “sea gypsy,” ay magiging mahusay na mga “Bantay Dagat’ dahil na rin sa kanilang likas na angking galing sa paglangoy at sapat na kaalaman tungkol sa mga karagatan.

Dahil dito tiyak na magiging epektibo sila sa kanilang magiging trabaho na nagpapatrulya sa mga karagatan para maprotektahan ang mga likas na yamang dagat at mapigilan ang illegal fishing.

“Being expert fishermen, deep-sea divers, and navigators, Badjaos possess the skills to become effective ‘Bantay Dagat’ deputies,” sabi ng UniTeam.

“Their heritage and culture have always been tied to the sea, and they can be an invaluable ally in our environmental protection efforts,” dagdag pa ng UniTeam.

Ang “Bantay Dagat” program ay pinapa­ngasiwaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nasa ilalim ng Department of Agriculture.

Si dating Presidente Ferdinand E. Marcos ang nagbalangkas ng programa hinggil dito at noong 1978, ipinag-utos niya sa mga barangay opisyal at samahan ng mangingisda sa bansa, na magsanay upang maging mga tagapangalaga ng karagatan at masugpo ang laganap na illegal fishing.

Ang indigenous Badjao o Sama-Bajau tribe ay matagal nang naninirahan sa mga coastal area ng Tawi Tawi, Sulu, Basilan at ilang baybayin lugar sa Zamboanga City.

Subalit napilitang magtungo sa mga urban area tulad ng Kamaynilaan, Davao, Cebu at iba pa  ang ilang pamilya ng mga Badjao dahil sa patuloy na bakbakan sa Min­danao, at pagha-harass ng ilang armadong grupo, na nagresulta sa kahirapan at paninirahan nila sa kalye.

Kaugnay nito, umapela ang UniTeam sa mga local government unit (LGU) na bigyang respeto at pigilan ang malupit na pagtrato na dinaranas ng marami sa kanila kapag nakikita silang namamalimos sa mga kalsada.

“It is time for us to end this unwritten policy of exclusion against the Badjaos.  They are Filipinos and deserve the opportunities available to everyone.  They must be treated with respect and dignity and not herded like cattle every time they are apprehended.  This kind of callous treatment must stop,” sabi ng UniTeam.

Dagdag pa ng UniTeam na bukod sa pagiging “Bantay Dagat”, dapat din mabigyan ng kabuhayan at oportunidad sa edukasyon ang mga Badjao.

“Like most Filipinos, they [Badjaos] too aspire for a brighter future.  We see livelihood and education as the two essential elements to lift them out of poverty.  We commit to giving that to them.  No one will be left behind.  Sama-sama tayong babangon muli, ”  dagdag ng UniTeam.