BBM SUPPORTERS UMALMA SA PAMEMEKE NG LENI CAMP SA FB PHOTO NG CARAVAN

BBM SUPPORTERS

DISMAYADO ang mga supporters ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos dahil sa ginawang pamemeke sa Facebook ng kampo ni Leni Robredo sa ritrato ng libu-libong tagasuporta na dumalo sa ‘unity ride’ nitong Linggo ng umaga sa Abra.

Giit ng mga tagasuporta ni Marcos ay pinalitan ng mga tauhan ni Robredo ang larawan ng mga BBM supporters na pawang nakapula at nagtipun-tipon sa Don Mariano Marcos Bridge, ikatlo sa pinakamahabang tulay sa bansa, na nasa Kalinga Road, Langalilang, Abra.

Pinalitaw nilang ng kulay pink ang suot ng mga BBM supporters na nasa larawan, nilagyan ng Leni logo, at ipinost Facebook sa ilalim ng #Laban Leni 2022, Ilocos.

Kuha ang larawan ng libu-libong Marcos supporters na nakasuot ng kulay pulang t-shirts habang nagtitipun-tipon sa nabanggit na lugar Linggo ng umaga.

Ang naturang larawan ay pinost ng tagasuporta ni Abra Rep. JB Bernos at ng Abranian Riders’ Alliance na pinamumunuan ni Joel Lingbaon.

Matapos makarating sa kanilang kaalaman, sama-samang binatikos sa social media ng Abra unity ride organizations at iba pang followers ni Bongbong pamemeke ng kampo ni Leni.

“This is a desperate attempt to hide the truth and a dastardly act to claim what was not theirs,” pag-alma ng isang Marcos-Duterte supporter.

Isa pang BBM-Sara Uniteam follower ang nagsabing, “the badly edited picture speaks well of what the Pinklawans are willing to do just to defy and hide the avalanche of support that Marcos enjoys.”

Ilang oras bago naman mag-alas-11:00 ng gabi nitong Linggo o mahigit 12 oras matapos kuwestiyunin ang pekeng larawan, naglabas ng statement ang Robredo camp at itinanggi na sila ang nasa likod ng nasabing viral photo.

Ilang minuto pa ang nakalipas, naglabas din sila ng statement sa Twitter sa ilalim ng Abra For Leni#DapatSiLeni, ngunit huli na ito dahil malisyoso nang naipalabas ang pekeng larawan.