INIHAYAG ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda nitong Miyerkules na nananatiling dominado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,
ang malaking kalamangan sa presidential race sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanyang bilang at maliwanag na hindi nito naapektuhan ang kanyang tsansa para magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.
“His (Marcos) decline in is not significant nationwide,” ayon kay Tabunda sa panayam sa ANC News Channel, kasabay ng pahayag na malinaw na hindi naapektuhan si Marcos sa mga ibinabatong isyu sa kanya.
Idinagdag pa ni Tabunda na ang bahagya ring pagtaas sa numero ng kanyang katunggali na si Leni Robredo ay hindi sapat para makahabol sa karera lalo na at mayroon na lamang halos tatlong linggo bago mag-eleksyon sa Mayo 9.
“No (she can’t catch up) because the increase is not enough,” ani Tabunda.
“It’s difficult to say but there has to be a larger decline in the voter preference and larger increases in Robredo’s preference votes for her to be able to catch up,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Tabunda na aabot pa sa 32 percentage points ang naghahati kina Marcos at Robredo kaya tila mahirap na itong makahabol.
“The gap between them is 32 percentage points, so if Bongbong Marcos loses 16 points and Leni Robredo gains 16 points. They will be statistically tied. So, you need a larger than 16 points decline for Bongbong Marcos and a larger than 16 points increase for Leni Robredo,” paliwanag ni Tabunda.
Ayon sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na ipinalabas nitong Miyerkules, nanatiling malayong nangunguna si Marcos na Nakakuha ng 56 porysentong voter preference.
Nasa malayong pangalawa si Robredo na mayroong 24 porysento habang si Isko Domagoso ay Nakakuha ng 8%. Si Senator Manny Pacquiao, ay Nakakuha naman ng 6%, haang si Senator Panfilo Lacson ay mayroong 2%.