BDO FOUNDATION, DEPED AT BSP NAGTATAGUYOD NG FINANCIAL INCLUSION

BSP-DEPED-BDO

NAKIPAGSANIB-PUWERSA  ang  BDO Foundation sa Department of Education (DepEd) upang mapabuti ang financial literacy program para sa mga guro, non-teaching personnel at mga estudyante. Ito ay para maipagpatuloy ang kanilang layunin na maitaguyod ang financial inclusion.

Inilunsad kamakailan lamang ang Financial Literacy Program for Schools sa isang okasyon na dinaluhan nina DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, BSP governor Nestor Espenilla Jr., BSP deputy governor Chuchi Fonacier, DepEd undersecretary Tonisito Umali at DepEd undersecretary Victoria Catibog. Naroon din ang BDO Foundation trustee na si Nestor Tan, BDO Foundation treasurer Lucy Co Dy, BDO Foundation corporate secretary Lazaro Jerome Guevarra, BDO Foundation trustee Ma. Corazon Mallillin at BDO Foundation president Mario Deriquito.

Ayon kay Deriquito, “Our goal is to help students learn the value of saving so they can prepare for the future at an early stage in their lives. To achieve this goal, we recognize the need for teachers to acquire knowledge that will enable them to manage their personal resources more responsibly and teach students personal finance effectively.”

Patuloy pa ni Deriquito, “By sharing lessons on financial responsibility with educators and the Filipino youth, we hope to promote financial inclusion and contribute to the development of a financially literate citizenry.”

Inilunsad na akma sa pagbubukas ng pasukan, ang Financial Literacy Program for Schools ay flagship corporate citizenship initiative ng BDO Foundation bilang pagtupad ng kanilang adbokasiya ng financial inclusion. Layon ng programa na suportahan ang pagsisikap ng DepEd na pagtibayin ang financial literacy sa kanilang K-12 curriculum at magbigay ng edukasyon tungkol sa financial literacy para sa kanilang mga guro at hindi guro tauhan. Ang programa ay makakapagbigay rin ng kontribusyon sa matatag na Financial Education at Consumer Protection ng BSP National Strategy for Financial Inclusion.

Ang inisyatibong edukasyunal ay inaasahang magbibigay ng benepisyo sa mga 700,000 guro at 24 milyong estudyante sa mahigit na 47,000 eskuwelahang pampubliko sa buong bansa.

Ang paglulunsad ng Financial Literacy Program for Schools ay binigyang-ningning sa pagpirma ng memorandum of agreement (MOA) na siyang commitment o pangako ng BDO Foundation, DepEd at BSP sa pagpapatupad ng programa sa buong bansa.

Bahagi ng programa ay ang pagpapakalat ng financial literacy videos na prodyus ng foundation sa pakikipagtulungan ng DepEd at BSP. Sinamahan pa ng discussion guides at lesson plans na ginawa ng DepEd master teachers, ang maikling educational clips ay dinisenyo para gumawa ng leksiyon sa financial management engaging at compelling para sa mga estudyante at mga guro.

Gagamit ang DepEd ng mga  video sa classroom instruction, the Teacher Induction Program, learning action cells at regular training at development programs para sa mga teaching at non-teaching personnel. Ang mga video at discussion guides ay ipapa-upload sa DepEd learning portal, kung saan mada­ling ma-access ng mga guro at madali nilang ma-download.

Ang unang batch ng limang video—dalawa para sa mga guro at tatlo para sa estudyante—ay iprinisinta at paglulunsad ng Financial Literacy Program for Schools. Ipo­prodyus ng BDO Foundation ang marami pang video tulad ng mga topic tungkol sa pamumuhunan, responsableng paggamit ng utang, personal budgeting at financial management.

Ang financial lit­racy program ay isa sa mga maraming inisyatibo ng BDO Foundation na nakalinya sa mga layunin ng DepEd. Sinusuportahan ng foundation ang  DepEd na Adopt A School program sa pamamagitan ng paggawa ng school buildings sa mga lugar ng kalamidad na probinsiya sa buong bansa ganun din ang taunang Brigada Eskwela program. Sumasali rin ito sa selebrasyon ng National Teacher’s Montth at World Teacher’s Day sa buong bansa.

Comments are closed.