BDO FOUNDATION UMAYUDA SA BATANES

BDO FOUNDATION-1

KATUWANG  ang grupo ng mga volunteer sa pangu­nguna ni Fr. Zenki Manabat, nagsagawa ng relief operations ang BDO Foundation sa bayan ng Itbayat sa Batanes na tinamaan ng lindol.

Binisita ng mga volunteer ang evacuation sites at namahagi ng 1,000 packs  ng mga pagkain, bigas, inuming tubig para sa mga  apektadong pamilya.

Sinuportahan ng Philippine Navy, local officials and police personnel, ang  disaster response efforts  ng foundation, at tumulong sa paghahatid ng relief goods mula sa provincial capital ng Batanes tungol sa isla ng Itbayat  na matinding sinalanta ng lindol.

Ang BDO Foundation,  corporate social responsibility arm ng BDO Unibank,  ay nagkakaloob ng tulong sa mga komunidad sa buong bansa na naapektuhan ng  natural o man-made disasters. Isinusulong din ng foundation ang long-term rehabilitation at reconstruction programs sa  mga lalawigan na tinamaan ng kalamidad.

Matatandaang tumama ang Magnitude 5.4 at 5.9 earthquakes, sa Itbayat at nasa 180 aftershocks  ang naitala  na sumira sa mga bahay, simbahan, kalsada at  eskuwelahan. Nasa ilalim ng state of calamity ang lugar.

One thought on “BDO FOUNDATION UMAYUDA SA BATANES”

Comments are closed.