MULING nasaksihan ang espiritu ng bayanihan nang magtungo ang officers at staff ng mga sangay ng BDO sa Albay, Camarines Sur, Northern Samar, Sorsogon at Western Samar upang makiisa sa relief operations para sa libo-libong pamilya na apektado ng bagyong Usman.
Binisita ng mga volunteer ang mahigit sa 40 barangays sa mga lalawigan at namahagi ng 7,000 relief packs na naglalaman ng pagkain, bigas, at inuming tubig.
Mahigit sa 130 BDO employees ang nakiisa sa relief operations na inorganisa ng BDO Foundation, ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank.
Pinangunahan ito ng BDO Sorsogon City branch sa pamumuno nina Manny Gutlay, BDO Albay-Polangui branch head Jovy Benipayo, BDO Samar-Catarman branch head Annalyn Dy, BDO Samar-Calbayog branch head Trinity Abesamis, BDO Albay-Tabaco branch head Gene Lupango at BDO Naga-Elias Angeles branch head Rene Tapel.
Umaktong isa sa mga unang rumeresponde sa kalamidad, nagkakaloob ng tulong ang BDO volunteers sa mga biktima ng natural o man-made disasters sa buong bansa.
Ito ay alinsunod sa disaster response advocacy ng BDO Foundation. Isinusulong din ng foundation ang long-term rehabilitation and reconstruction programs sa mga probinsiyang tinamaan ng bagyo.
Kinokonsidera bilang isa sa malakas na bagyo na tumama sa bansa kamakailan, sinalanta ng bagyong Usman ang Kabikulan, Calabarzon at Samar, at marami ang nabiktima nito at mga nawalan ng tahanan.
Dahil sa walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides, isinailalim ang ilang lalawigan sa state of calamity.
Comments are closed.