Be my Valentine

Ni Nenet L. Villafania

NAPAKAMAHAL  na naman ng mga bulaklak. Pebrero na kasi, at malapit na ang araw ng mga puso. Uso na naman ang pagsasabi ng “Be my Valentine.”

Pero ano nga ba ang ang specific na kahulugan ng “my Valentine?”
Pag sinabing valentine, asawa yon o syota. Sila ang legal na dapat sabihan ng “Be my Valentine.”

Yung hindi legal, huwag na muna nating pag-usapan. Sa legal muna tayo dahil sila ang talagang dapat na nakakatanggap ng ganoong pagbati at atensyon Valentine’s Day. Napakaraming endearments para sa minamahal. Pwedeng dearie, sweetie, honey, basta siya ang iyong boyfriend, girlfriend, significant other, o special someone. E kung siya na nga, bakit pa kailangang sabihing “Be my Valentine?”

Kasi naman, sobrang fun and chill na tatanungin ka ni partner na “Will you be my Valentine?”

Parang tinatanong ka niya kung lwede kayang ikaw ang maging date niya sa buong Valentine’s Day – na February 14 ang exact date taon-taon. At para mas sweet, hoy, mga boys, mandatory ang bulaklak at chocolates. Hindi na bale yang teddy bear. Bagong dagdag gastos lang naman iyon. The flowers speak it all kaya ingat sa bilang at kulay. Ingat din sa klase ng bulaklak na ibibigay.

Yung chocolate, depende sa panlasa ng bibigyan. Pwedeng Toblerone, Ferrero Rocher, Hersey’s, Baby Ruth, at kung talagang walang wala, kahit choc-nut pwede na rin. Ang mahalaga ay nagmamahalan at nagkakaintindihan kayo.

Ang tanong na “Will you be my Valentine?” ay parang marriage proposal. Kung gusto mo ang kausap mo, syempre, “yes” ang isasagot mo. Kung hindi naman, e di “no.” Pero ang sakit naman!

Kaya nga, kung wala naman kayong relayon ni ate girl, mas proper na batiin na lamang siya ng Happy Valentine, lalo pa at hindi naman kayo gaanong close para hindi magkalabuan. Kadalasan kasi, nagkakalituhan lalao pa at ang friend na sasabihan mo ng “Be my Valentine ay involved sa romantic relationship. Mas tamang batiin na lamang siya ng Happy Valentine’s Day. Kung wala namang karelasyon, mas lalong dapat na Happy Valentine’s Day na lamag ang pagbati. Baka kasi isipin niya, nagkakagusto ka sa kanya.

Kung karelasyon an-:g iyong valentine, gcelebrate love in the most commercial way possible. Pwedeng cards, flowers, candy, o mas malaki pang regalo, pero please lang, never say “I love you,” unless talagang gusto mong maging kayo.

Anong sabi mo? Crush mo si friend? E di sabihin mo sa kanyang crush mo siya. Crush lang naman, di ba? Walang masama liban na lang kung may karelasyon na siya. Kung wala, malay mo, isang araw, yung crush, mag-grow, maging love at maging kayo. Mas maganda raw kung friendship ang magiging pundasyon ng relasyon. Valentine’s Day ang perfect na araw upang ipaalam ang laman ng iyong puso sa taong iyong minamahal.

Pero paano kung friends lang kayo talaga at parehong NBSB? Pwede bang kayong dalawa na lang ang mag-date sa Valentine?

Bakit naman hindi? Marami namang klase ng love. Kapag sinabi mong ikaw ang aking “valentine,” ibig lang namang sabihin nito ay gusto mong ipakita ang iyong pagmamahal. Pwede namang platonic love, kaya pwedeng maging valentine o ka-date sa valentine’s day ang kahit sinong taong malapit sa puso mo kahit hindi mo siya karelasyon. Kung talagang walang wala (kawawa …), yung alagang aso o pusa mo na lang. ang disadvantage lang nito, hindi sila makakabili ng regalo. Pero sa kabuuan, pagpapakita lang naman ng pagmamahal ang Valentine’s Day. Kaya nga binabati ko na kayo ng maagang “Happy Valentine’s Day” at sana, may ka-date kayo sa February 14.