BE OJT READY: WAYS PARA MAG-ING SUCCESSFUL

ANG On-the-Job Training (OJT) o internship ay isa sa requirements sa kolehiyo. Kadalasan, ito ay immersion sa kom-panya o institusyon upang gawin ang mga aktuwal na trabahong may kaugnayan sa kurso. Maganda rin itong platform kung saan naiaaplay ng mga estudyante ang kanilang natutunan sa classroom. Mabisang paraan ito para maihanda sila sa corporate world. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa tips upang maging successful at productive ang iyong On-the-Job training.

BAGO MAG-OJT:

MAGING EARLY BIRD. Bago mo iwasang ma-late sa unang araw mo sa trabaho, may dapat ka munang pagtuunan ng pansin. Ilang buwan pa lamang bago ang iyong OJT, maghanap na ng mga kompanyang nais mong pasukan. Piliin ang sasakto sa iyong interes at ayon sa convenience. Kom­plikado ang mga dokumentong kakailanganin sa OJT (e.g. resume, memorandum of agree-ment, etc.). Kaya’t habang maaga pa lang, kompletuhin ito agad.

DURING:

LAGING MAKINIG SA SUPERVISOR. Para hindi ma­ngapa kung ano ang mga dapat gawin, pakinggan nang maigi ang mga in-struction ng iyong supervisor, at upang maiwasan na rin ang pagkakamali. Tandaan, hindi na simulation ang trabaho. Umaasa sa iyo ang ibang tao at mga katrabaho kaya’t dapat gampanan nang mahusay ang mga nakaatang sa iyo.

MAGING KNOWLEDGE HOARDER. Walang masama sa pagiging hoarder ng kaalaman. Magtanong-OJTtanong at gamitin ang mga task sa iyo bilang oportunidad para matuto.

MAKIPAGKAIBIGAN: Wala sigurong nagsu-survive sa OJT nang walang kakilala o makakausap man lamang. Si­yempre, hindi lang naman puro sa trabaho umiikot ang dynamics ng isang kompanya. Mas lalong magiging makulay ang iyong OJT kung may mga kaibigan ka na nakakasama tuwing breaks o nakasasabay pauwi.

RESPETUHIN ANG WORK RULES AT ETIQUETTES. Ang working schedules ay isa lamang sa rules na striktong ipina-tutupad ng ilang kompanya. Ngunit hindi lamang mga protocols na nakasulat sa papel ang dapat sundin. Upang magtagal sa trabaho, kailangang maayos ka ring makipagkapwa tao.

AFTER:

KOMPLETUHIN ANG MGA COMPLIANCE DOCUMENTS. Siguraduhing kompleto ang mga dokumento na kakailanganin upang ma-credit ang iyong OJT tulad ng evaluation reports.

MAKIBALITA. Hindi ito kinakailangan, ngunit ito ay mahalaga. Kung interesado kang magtrabaho sa kompanya kung saan ka nag-OJT, makibalita ka sa iyong mga kakilala. Dahil kung mag-aaplay ka, mas mataas ang chance na ikaw ay tanggapin dahil alam nilang mapagkakatiwalaan ka na.

Isa ang OJT sa pinaka-memorable na experience sa college life dahil sa rami ng iyong makikilala at matututunan. Kaya’t bago ito isama sa iyong course list, dapat ikaw ay #OJTReady. RENALENE NERVAL

 

Comments are closed.