(“Be RICEponsible”) PUPILS PAKAININ NG KANIN – DA

Umabot sa 2,000  na mga mag-aaral at public school teachers at staff ang nagbenepisyo sa inilunsad ng  Department of Agriculture – National Rice Program (DA-NRP) na brown rice feeding program sa ilalim ng  “Be RICEponsible” Campaign  ngayong linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng  National Rice Awareness Month (NRAM).

Sa isang statement, sinabi ng DA na ang  brown rice feeding program ay isinagawa sa Project 6 Elementary School noong Nobyembre 13 at 19, 2024.

“The initiative, which benefitted more than 2,000 students and staff, aims to raise rice awareness, promote better health, and advocate responsible rice consumption. During the activity, the students also recited the Be RICEponsible Pledge, which states, Bilang isang mamamayang Pilipino A-Ba-Ka-Da ng ‘Be RICEponsible’ ay isasapuso at susundin ko,” sabi ng DA.

Bahagi rin nito ang alpabeto na A-Ba-Ka-Da na nangangahulugan  ng “Adlay, mais, saba, atbp. Isinusulong dito na ihalo ito sa kanin,” “Brown rice ay kai­nin,” “Kanin at huwag ay sayangin,” at “Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin,”ang isinusulong ng DA.

“Through the Presidential Proclamation No. 524 Series of 2004, NRAM is observed every November to raise public awareness on rice, promote healthier and more sustainable practices in rice production and consumption, support local rice farmers, and achieve rice sufficiency, among others. By engaging elementary students, the DA-NRP aims to inspire a new generation of responsible rice consumers,” sabi ng DA.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia