BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE ENGAGED NA

INANUNSIYO ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang engagement Miyerkoles ng gabi.

Ibinahagi nina Alonzo, 35, at Roque, 32, ang kaganapan sa isang Instagram post na nagpapakita ng serye ng mga larawan mula sa proposal na ginanap noong Hulyo 18. Kitang-kita sa mga clip ang gulat at pag-iyak ng aktres habang nakaluhod si Roque.

Sinabi ni Alonzo na sinorpresa siya ni Roque sa isang routine photoshoot.

“Ito ay isang maaliwalas na hapon sa Las Casas. Nandoon ako para sa isang shoot, ngunit hindi ko alam na ang susunod na mangyayari ay magbabago sa aming buhay magpakailanman,” sabi ng aktres. NV