MANANATILING magkaibigan sina Bea Alonzo at Dominic Roque kahit nag-break na sila, ito ang pahayag nilang dalawa.
Anila, nauna pang kinumpirma ng ibang tao ang kanilang paghihiwalay at kung anu-ano na ang lumabas na balita, gayong hindi pa sila nakakapagdesisyon. Ngayong kumpirmado na, hinihiling ng dalawa ang pag-unawa ng kanilang mga fans. Gusto raw nilang kapwa mag-miove on na walang mabigat na dinadala.
January 2021 lamang nila kinumpirma ang kanilang relasyong inakala ng lahat na mauuwi sa kasalan. Naging masaya at makulay ang kanilang relasyon, at ilang buwan lamang ang nakalilipas ay ibinalita nila ang kanilang engagement. Pero sa pagpasok g 2024, naramdaman ng mga fans na lumalamig na ang relasyon nina Bea at Dominic. Finally, heto ngayon, at kinukumpirma na nila ang kanilang break-up. Sino kaya ang ka-date nila ngayon Valentine’s Day? NLVN