BEA ALONZO GUSTONG SI GERALD NA ANG MAPANGASAWA

BEA-GERALD

KINIKILIG na inamin ni Bea Alonzo sa “Tonight With Boy Abunda” na si Gerald Anderson ang lalakingreflection gusto niyang makasama sa harap ng altar.

Nag-guest si Bea sa program ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda  para sa promo ng latest movie niya na “First Love” with Aga Muhlach directed by Paul Soriano.

But when asked kung sino ‘yung first guy na  winish niya na makasama sa altar, tumanggi si Bea na magsabi ng name. Napai-sip tuloy kami kung sino ‘yung first boyfriend ni Bea sa showbiz.

Hindi si John Lloyd Cruz ang unang boyfriend ni Bea. Pero si John Lloyd ang kanyang first kiss on screen.  Fifteen years old lang daw siya that time.

Sa pagkakaalam na­min, si Mico Palanca ang unang boyfriend ni Bea. Then, na-link siya kay Gerald for the first time. Pero naudlot dahil pinu-push pa ang Kim-Gerald loveteam noon. Hanggang sa naging boyfriend ni Bea si Zanjoe Marudo.

First time naman niya na makatrabaho ang ‘the’ Aga Muhlach at maidirek ng mister  ni Toni Gonzaga na si Direk Paul. Nagkasama naman sina Bea at Toni sa “Four Sisters and A Wedding” noon.

Anyway, last time nakausap namin ang magandang aktres na si Isabel Rivas who plays Alpha on ABS-CBN’s new daytime drama-series na ”Los Bastardos,” nabanggit niya na siya pala ang nag-encourage kay Bea na bumili ng farm.

Nagkasama sina Isabel at Bea sa teleseryeng “Guns and Roses” with Robin Padilla and Diether Ocampo nu’ng 2011.

Kuwento ni Isabel sa amin, mula sa four hectares ay naging 30 hectares na ang kanyang farm sa Zambales. Sampung ektarya raw ang farm ni Bea sa Zambales na binigay niya para sa kanyang ina. Mga puno raw ng mangga ang nakatanim sa farm ni Bea.

For sure, isa lang kanyang farm sa napakarami pang investments ni Bea. Kaya mapalad ang pakakasalan ni Bea. Rich and famous na, umaapaw pa ang ganda ni Bea.

RICKY LEE PROUD SA DATING WORKSHOP PARTICIPANT NA NGAYON AY AUTHOR NA

RICKY LEEDUMALO ang batikan at multi-awarded scriptwriter na si Ricky Lee sa book launch ng “Mga Batang Poz” ni Segundo Matias, Jr. o mas kilala bilang Jun Matias, sa mismong building ng author sa Quezon City.

Si Jun Matias ang owner ng Lampara Books Publishing ng sikat na Precious Hearts Romance pocketbook novels, at iba pang mga libro na may iba’t ibang tema, pati na pambata.

Very proud si Ricky kay Jun dahil isa ito sa early participants sa kanyang  Ricky Lee Scriptwriting Workshop na nagsimula noong 1982 (na ever since ay “free of charge”).

“Naalala ko mga teenager pa sila noon nina Richard Reynante, Linda Casimiro at Ben Pascual hanggang nagsulat sila sa isang TV show, ‘yung ‘Pub House’ nina Chanda Romero. Masaya ako na mula sa pagiging teenager nila noon na sabik na sabik makapagsulat, eh eto ngayon siya – may sarili nang empire, may sariling publishing house,’ pagbabalik-tanaw ni Ricky.

Naniniwala siya na very timely ang tema ng “Mga Batang Poz” (short for “positive” sa sakit na HIV, na kapag lumala ay nagiging AIDS).

“Ang tema ng librong ito ay very timely, dahil ngayon, malungkot mang isipin, pero totoo na mas lumalaganap na sa atin dito sa Filipinas ang HIV, lalong-lalo na sa kabataan. Pero I think, mahalaga itong basahin hindi lamang ng mga kabataan, kundi nating lahat,”

Dagdag pa ng award-winning writer:  “Seryoso ang usapin ng HIV.  Kahit sino ay puwedeng maapektuhan nito, kapatid natin, kapitbahay, kahit na sino. It’s a very urgent issue na dapat nating harapin nga­yon, hindi bukas.”

Ang “Mga Batang Poz” book ay available na for sale sa National Bookstore, Precious Pages retail out-lets, at iba pang bookstores.