BEA ALONZO IBINULGAR NA SI SARAH G ANG GREAT LOVE NI JOHN LLOYD

Bea at John Lloyd2

SA SCRIPTED na video chat pa rin nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz nabuking na si Sarah Geronimo pala ang great love ni Lloydie. hotshotsNabulgar ito ni Bea na kung hindi matalas ang pag-intindi mo ay hindi mapapansin kung ano ang ibig sabihin ni Bea nang sagutin nito sa Lloydie na, “wala akong laban doon. GL mo ‘yun eh.”

Nagkaroon kasi sila ng tanungan kung saang movie nila binitiwan ang mga katagang kanilang sasabihin.

Sa una ay sinasagot agad ni Bea kung saan movie ‘yung mga binibitawan dialogue ni Lloydie.

Pero nang mag-dialogue si Lloydie na, “ngayon lang ako nagselos,”  eh, biglang natigilan si Bea at sinabi na hindi siya kasama sa naturang movie na kung saan binitawan nga nito ang nasabing linya.

Ang movie ay A Very Special Love, na kung saan si Sarah Geronimo ang leading lady ni Lloydie at hindi si Bea.

“Hindi ako kasama sa movie na yan,” say ni Bea.

Sagot naman ni Lloydie kay Bea, “bakit? Selos ka.”

“Hahahaha, wala akong laban doon. GL mo ‘yun eh. “ natatawang baling na sagot ni Bea kay Lloydie.

Si  Sarah Geronimo ang leading lady ni Lloydie sa movie na sinabi nito  na ang linyang, “ngayon lang ako nagselos.”

Ang GL na ibig sabihin naman ni Bea ay “great love.”

Kung nagkataon  pala na ipinagpatuloy at talagang ipinaglaban ni Lloydie ang tunay na pagmamahal na nadama kay Sarah ay baka hindi natuloy ang wedding nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Tila kinimkim na lang daw diumano ni Lloydie ang pagmamahal kay Sarah lalo nang pumutok ang balitang nagkakaintindihan na sina Sarah at Matteo.

Kaya ang nagdurugo at matinding sakit sa puso na nadama ni Lloydie ay nabaling sa iba, sa pag-aakalang malulunasan nito ang nagdurugong puso.

Sa simula  ay tila naging okey naman ang pagsasama at sandaling pagsasama nina Lloydie at Ellen Adarna. Nagbunga pa nga ang pagsasama nila ng isang malusog at guwapong bata na si Elias Modesto.

Pero hindi rin nagtagal ay naghiwalay sina Ellen at Lloydie dahil tila hindi “nagamot” ng una ang sakit na nadama sa puso ng huli.

Ngayon ay parang hinahanap pa rin ni Lloydie ang sarili dahil mistulang  may  kulang pa rin daw sa kanya kahit napaliligiran na siya ng mga mahal sa buhay.

What if, si Sarah nga ang naging ina ng anak ni Lloydie? Magbago na kaya ang nadarama ng actor at masabi nito na natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan na  kanyang  hinahanap?

Comments are closed.