BeaDom hopeless na magkabalikan

MATAPOS  magdeklara kamakailan lamang na magpapakasal na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, heto, break na raw, at ang may kasalanan ay si Bea. Ano nga ba ang totoo?

Fine! Confirmed na hiwalay na nga ang dalawa. Wala nang engagement at lalong walang kasalang magaganap. Okay lang dahil lagi namang nangyayari iyon sa mga showbiz couples. Pero nag-post ng makahulugan ang kapatid ni Dominic na si Lhean Roque na naging palaisipan sa lahat, lalo na sa followers ng dalawa.

Isang black-and-white photo ng isang sheep na nakapatong sa isang wolf. Malinaw na ang tinutukoy ay isang taong mukhang harmless at napakabait pero may tinatago palang napakasamang ugali. Imposible namang si Dominic ang tinutukoy ng kanyang sariling kapatid, kaya nag-zoom out ito kay Bea.

Dagdagan pa ng dati nang cryptic post ng road manager ni Bea na si Nina Ferrer na “manipulative sad boi.” Inakala ng lahat na si Dominic ang tinutukoy dito pero ngayon, naiba ang haka-haka. Sino ang manipulative? Si Bea ba o si Dominic? At bakit magiging sad boy si Dominic kung siya ang manipulative. Malamang, siya ang nama-manipulate.

From friends to lovers ang love story nina Bea at Dominic, na akala ng lahat ay mauuwi na sa kasalan matapos nilang ibalita sa mga fans na engaged na sila.
Considering na 2021 sila nagkamabutihan, halos tatlong taon na rin ang kanilang relasyon. Kaya lang, napapansin ng mga netizens na tila may problema ang dalawa sa pagpasok ng 2024. Hindi na rin sinusoot ni Bea ang kanilang engagement ring.

Hindi na matutuloy ang kasal. Sa madaling sabi, single na naman si Bea. Napakarami na ring naging karelasyon ni Bea at akala nating lahat ay matutuldukan na ang kanyang pagiging single.

Pero sa dami na nga ng nakarelasyon ni Bea na lahat ay nauwi sa hiwalayan, hindi ba kaduda-duda? May kasabihan sa English na: “Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me.”

Kayo na ang humatol. NLVN