BEA ALONZO WALANG PAKI SA MGA ISYU

faceup

LAGING laman si Bea Alonzo ng balita na ang paksa ay tungkol sa kanyang future projects sa GMA7 at mga gagawing pelikula, pati na ang kanyang lovelife with Dominic Roque. Masaya si Bea dahil may nagmamahal at nagtatanggol sa kanya. Pero muntik na sila matabunan dahil umeksena si Janus del Prado nang ipagtanggol niya si Bea na matalik niyang kaibigan.

Keber, kung tawagin mang sawsawero si Janus sa dating affair ni Bea Kay Gerald Anderson. Ang mahalaga sa kanya, ang friendship nila ni Bea. Totoo namang may overlapping sa pakikipag­relasyon si Gerald. Ima­gine, may Bea na, may Pia Wurtzback pa, at may Julia Barreto pa! It took two years bago inamin ni Gerald na sila ni Julia. Kung ikaw ba si Bea patatawarin mo agad ang lalaking nanakit sa’yo?

Pero balewala kay Bea ang lahat ng isyu. Basta raw “masaya siya sa piling ni Dominic” ngayon.

***

PCG AUXILIARY JULIA BARRETO TINAASAN NG KILAY NG MGA NETIZENS

Nanumpa kamakailan si Julia Barreto bilang Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) sa isang induction ceremony na ginanap sa National Headquarters, kasama si Gerald Anderson na isa ring auxiliary officer ng PCG with the rank of Lieutenant Commander.

Kaso, nagtaasan ng kilay ng mga netizens. Ano ba ang ginawang training ni Julia at bigla na lang siyang naging PCGA? Paano siya pumasa? Ano raw ba ang gagawin niya sa Coast Guard? Si Ge­rald, nag-under go ng ilang buwan trai­ning, kaya naman may ranggo siyang Lt. Commander. Naging Philippine Army reser­vist din si Gerald. Nag­dedeliber siya ng supplies ng uniformed men ser­ving the front line against Covid. Working closely with PCG.

Pero kay Julia, baket? Naisip tuloy ng mga netizens, pag artista ka pala, madaling maging military reservist o auxiliary

Nuong nag-aaral ang inyong lingkod sa kolehiyo, mandatory ang ROTC training for two years. Hindi ka magtatapos sa college kung di tapos ng Military Science. Kung nakumpleto mo ang apat na MS ay pwede mong    ituloy sa Philippine Army, at may ranggo ka agad na second lieutenant, Going back kay Julia, anong serbisyo naman kaya ang maibibigay niya sa PCG? May allowances ba silang dalawa?

***

HERBERT BAUTISTA MAGBABALIK-KYUSI

Bugbog ang social media ng announcement na magbabalik sa Quezon City ang dating mayor na si Herbert Bautista bilang public servant. Captain barbell is back (ginampanan ito ni Bistek noong araw).

Pagkatapos na tatlong terms bilang mayor ng Kyusi, nagpahinga muna ang aktor/politiko. Naging aktibo siya sa tele­bisyon at may sitcom pa siya sa Tv5 na ang pamagat ay “Puto.” Hintayin na lang natin kung anong posisyon ang tatakbuhan niya. Malay natin, senador. Kung pagkamayor kasi babanggain niya si Mayora Joy Belmonte. Bumalik si Bistek sa public service bilang army reservist. Among the tasks of his team is to ensure the safety of QC. May ranggo siyang Brigadier General sa Philipiine Army.

5 thoughts on “BEA ALONZO WALANG PAKI SA MGA ISYU”

Comments are closed.