BEA AT DOMINIC HIWALAY NA

KINUMPIRMA ng King of Talk na si Boy Abunda ang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque na sana’y ikakasal na ngayong taon.

Ang paghihiwalay ng dalawa ay ayon sa isang source at hindi mismo sa dalawa, ayon kay Tito Boy.

Tinangka naman umanong ayusin ng dalawa ang hindi pagkakaunawaan subalit naka-hang pa rin ang mga kasagutan.

Kabilang naman sa posibleng dahilan ng paghihiwalay ay ang prenuptial agreement, subalit wala pang nagkukumpirma hinggil dito.

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa noong 2021 at idinaos ang kanilang engagement noong July 2023 sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Bagama’t engaged na hindi pa malinaw ang mga plano para sa kasal habang may mga ulat na nag-ocular pa ang dalawa sa Europe at nagtungo pa sa Japan.