MALAKING hamon kay Bea Binene ang bagong morning soap na pinagbibidahan niya, ang Kapag Nahati Ang Puso, na mapanonood sa GMA7 bago ang Eat Bulaga.
First mature role ni Bea, na kung saan makakaribal niya sa pag-ibig ang kanyang sariling ina, na gagampanan ng nagbabalik-Kapuso na si Sunshine Cruz. Ang actor na si Benjamin Alves, ang lalaking mamamagitan sa mag-ina sa kanilang pag-ibig. Siyempre, hindi alam nina Bea at Sunshine na sila’y magkadugo.
Hanggang ngayon hindi pa batid ni Bea kung hanggang saan ang magaganap sa maromansang tagpo nila ng leading man na si Benjamin. Kahit anong maganap, dumaan naman sila sa workshop. Nakatulong ito kung paano nila aatakihin ang bawat role.
Idinirek ni Gil Tejada Jr., ang Kapag Nahati ang Puso at kasama rin sa main cast sina Zoren Legaspi, bilang biological father ni Bea, young actor David Licauco, na lalabas na isang swimmer na secret admirer ni Claire (Bea Binene), at ang nagbabalik-GMA na si Bing Loyzaga bilang pangunahing villain ng soap.
Samantala, inamin ni Bea na may non-showbiz na nanliligaw sa kanya ngayon. Masugid na manliligaw ang binata. Matagal na ring walang boy-friend si Bea pagkatapos nilang mag-split ni Jake Vargas. Ayaw lang munang makipagseryoso sa lovelife ni Bea. Priority niya ang career at mas pinagbuti ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Second year college na ngayon si Bea sa kursong Filmmaking. Active din si Bea bilang travel blogger, kung saan sponsor niya ang Cebu Pacific. Kararating lang ni Bea sa Japan. Nakapag-video na siya sa Thailand at sa iba’t ibang scenic spots sa Filipinas.
STATEMENT OF SENATOR MANNY PACQUIAO
NAGPAHAYAG si Sen. Manny Pacquiao na mula sa GMA Corp Com sa kumalat na fake news:
“NAKARATING sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po.”
CARLA ABELLANA HANDA NANG PAKASALAN NI TOM RODRIGUEZ; ENJOY SA BUBBLE GANG
BALITA na malapit ng magpakasal sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Parehong naghahanda na ang dalawa para sa kanilang pag-iisang dibdib kahit busy pa rin sila sa kani-kanilang show.
Si Carla ay madalas panauhin sa Bubble Gang, samantalang si Tom ay nasa The Cure. Likas na masayahin si Carla. Kaya naman madalas siyang pa-nauhin sa show. Bagay sa mga eksena ng Bubble Gang ang patawa ni Carla.
Comments are closed.