BEA BINENE: CONTENTED. INSPIRING. REAL.

BEA BINENE-1

MAAMO at may magandang mukha, iyan ang unang papasok sa iyong isipan kapag nakita mo si Bea Binene—sa telebisyon man o sa personal.

Pero bukod  sa hitsura nito, may isa pang natatangi sa kanyang puso—at iyan ang pagpapahalaga sa kalikasan. Gayundin ang pagmamahal sa kapwa niya Filipino.

Nag-venture sa film production si Bea. At isa nga sa naging matagumpay at naipalabas sa QCinema noong 2017 ang Fading Paradise.

LAYUNIN NG FADING PARADISE

BEA BINENE-7Layunin nito na magkaroon ng kaalaman ang bawat manonood kung paano iingatan at mamahalin ang kalikasan.

Ipinakikita rito kung gaano kabilis na nawawala ang isang bagay kapag hindi ito minahal at pinag-ingatan. Kung gaano rin kalaking epekto ang nai-dudulot nito—sa pamumuhay at kabuhayan ng isang lugar.

Nang ipalabas ang Fading Paradise noong 2017 sa QCinema, nagkaroon ito ng open forum sa mismong cinema na ang audience ay mga estudyante rin.

Ikalawang film ang Fading Paradise na ginawa nina Mommy Carina at Bea. Dahil madugo ang production nu’ng nauna ay hindi pa nila natatapos. Tungkol din sa climate change ang unang film na nakabatay sa Yolanda.

Open-ended ang film at nais nilang ang aksiyon ay manggaling mismo sa mga manonood.

Ang ilang porsiyento ng kita ay inilaan sa pinili nilang NGO foundation.

PAGIGING NEGOSYANTE, NASA DUGO

BEA BINENEHindi lamang pag-aartista at ang pagpo-produce ng indie film ang pinagkakaabalahan ni Bea. Maging ang pagnenegosyo ay pinasok na rin nito.

Noong December 2018, sinimulan nito ang Mix and Brew Coffee, isang coffee cart.

Pinag-aralan ni Bea ang coffee science at barista. Kape ang ikalawa sa iniinom sa buong mundo.

Sinusuportahan din nila ang local farmers. Mula sa Batangas, Ca­vite at Benguet ang beans nila. Mayroon din silang  single origin mula Brazil at Sumatra, Indonesia.

May sariling blend ang Mix and Brew Coffee. Sobrang unique rin ang concept nitong Coffee-to-go.

Two years ago ay nagkaroon din ng bag business si Bea kasama ang kanyang stylist. Sila mismo ang nagde-design ng bag at sumasali sa mga ba-zaar. Malakas ang nasabing business. Ngunit nang magtungo sa New York ang partner niya sa negosyo, natigil ito.

May dugong negos­yante talaga si Bea lalo’t ang mommy nito na si Carina ay may business ring accesory na sinimulan nito sa edad na 18. Ngunit sa rami ng kakompetensiya ay nahinto ito.

KINAHARAP NA CHALLENGES

“Ngayon, yung ideya mo for sure hindi lang ikaw ang nakaisip. You have to have something na special, you need to have something na ikaw lang ang mayroon. You need to give the people something na magugustuhan nila, na kailangan nila,” ani Bea.

Natutunan din ni Bea na hindi lahat ng gusto niya ay magugustuhan din ng iba.

Hands on din si Bea sa kanyang negosyo. Mula sa mayor’s permit hanggang sa tax, rent sa mall, pagkausap at pagkulit sa mga supplier, paghahanap ng murang cups at kung ano-ano pa.”

Mga maliliit na challenges, ayon nga kay Bea na nagiging daan para lalo pa siyang matuto.

“Maganda  kapag nagba-bazaar kami, we don’t just cater to the customer, we also caters to our fellow bazaristas. Sa amoy pa lang naeengganyo si-la,” kuwento pa ni Bea.

Sa ngayon ay wala pang branch ang Mix and Brew Coffee. Pero available ito sa mga bazaar. .

PAG-AARTISTA AT PAGNENEGOSYO

BEA BINENE-5Parehong may fulfillment ang pag-aartista at pagnenegosyo ayon kay Bea.

“Sa pag-aartista, puyat ka, wala kang privacy. Kailangan laging maganda, kailangang laging payat para hindi mataba sa TV. Iba ang hirap sa pag-aartista kaysa sa pagnenegosyo. Pero ‘yung fulfillment mo, nandoon pareho. Siyempre, sa pag-aartista, fulfillment kasi alam mong maraming naglo-look up sa iyo, Alam mo ‘yung ime-message ka nila sa instagram. Ime-message ka nila sa twitter na they like you. They like your work. Kapag may mall show ka, magta-travel sila just to see you. Sa coffee, iba rin ‘yung fulfillment. May free taste po kasi kami, kapag tinikman nila magbubulungan sila na masarap ang kape, masarap ang kape. Mayroon po ka­ming na­ging customer na dinala sa Hawaii. Tapos nagustuhan daw at umorder ulit. Iba ‘yung fulfillment kasi alam mong pinaghihirapan mo,” pagbabahagi pa ni Bea.

Nagpupunta rin sa bazaar si Bea para ma­kita ang reaksiyon ng mga tao. “Gusto kong makita na nauubos ang cups dahil maraming bumibili,” nakangiti nitong wika.

PAYO SA MGA GUSTONG MAGNEGOSYO

Payo naman ni Bea: “Kailangan ang gagawin mong negosyo ay kung ano ang gusto mo. Hindi iyong kung ano lang ang uso, huwag iyong kung ano lang ang na feel mo ngayon, gagawin mo na. Kaila­ngan, one hundred and ten percent, kailangan passion mo talaga. Kasi hindi lang naman yan puro sarap, mahihirapan ka–financially, emotionally, mentally at physically.”

At huwag kalimutan ang magtanong at mag-research.

DAPAT ABANGAN SA PILIPINO MIRROR

Isa sa kaabang-abang sa PILIPINO Mirror ay ang pagsisi­mulang magsulat ni Bea.

Bukod sa kaabalahan nito sa pag-aartista, pagnenegosyo at pag-venture sa film production ay ibabahagi rin niya sa mga mambabasa ang iba’t ibang lugar na kanyang dinarayo at kung ano-anong negosyo ang patok o mayroon sa nasabing lugar.

BEA BINENE-4Mula Abril ay mababasa na sa PILIPINO Mirror ang kolum ng 21-anyos na artista, producer at negosyante.

Ever since rin ay active si Bea sa pagsali sa mga Non-Government Organization (NGO), foundations, feeding program at naging ambassador ng isang environmental organization.  Kapag birthday rin nito, mas pinipili niyang magdiwang sa foundation kasama ang cancer kids.

Tungkol naman sa kung paano nito mina-manage ang kanyang oras, marami pa raw siyang nagagawa.

Kung ilalarawan ni Bea ang kanyang buhay, ayon sa kanya  ang mga salitang ito ay contented, inspiring at real.

Comments are closed.