“WALA na, finish na” para sa katapat na programa ng Kapag Nahati Ang Puso dahil hindi nito napantayan ang nakaiintrigang kuwento nina Bea Binene, Ben Alves at Sunshine Cruz.
Maraming sumusubaybay sa kuwento nina Claire (Bea), Jacob (Ben) at Rio (Sunshine) at marami ang kinikilig sa nabubuong pagtitinginan sa mga karakter nina Bea at Ben.
Naaliw ang netizens sa post ni Ben sa Instagram na, “Di ko na alam kung mekaniko o macho dancer si Joaquin,” dahil naka-topless ang karakter niyang si Jacob habang inaayos ang sasakyan at naghihintay sa tabi ang conservative character ni Bea na si Claire.
Well-oiled machine din ang cast dahil kahit sa likod ng kamera ay masaya ang bonding nila.
Sinorpresa ng KNAP cast si Sunshine sa kanyang birthday at natuwa ang bagong Kapuso star sa gesture nilang ito. Siguradong mas maiinit na eksena pa ang aabangan sa Kapag Nahati Ang Puso dahil motivated silang i-maintain ang mataas na ratings.
Congrats sa inyong team KNAP!
o0o
ANG mga dating miyembro ng That’s Entertainment noon ni Kuya Germs (SLN) na sina Lovely Rivero at Jojo Alejar ang siyang nahirang ng mga producers ng Alas Pilipinas Multi Media Corporations, Inc. para maging host tandem nang kanilang Ronda Patrol sa umaga tuwing Biyernes mula 6am hanggang 7am.
Sina Lovely at Jojo ang siyang magsisilbing “your tea and coffee in the morning”.
Ayon kay Lovely hindi lang daw pulos salita ang gagawin niya sa kanilang tv program sa umaga ni Jojo kundi magsisilbi rin siyang bell information tungkol sa mga flexible segments nang naturang tv show lalo na kung may kinalaman sa business kasi raw right now ay deeply involved siya sa kanilang restaurant business at booking agency na nagpapadala ng mga singer, banda, performer hindi lang sa Saudi Arabia kundi maging sa Singapore, Malaysia at Japan.
Ang patawa epek naman ni Jojo since tipong may pagkakomedyante ang damungkang ay kung ang social media daw ay merong You Tube, Facebook, Twitter, Instagram puwes ang kanila daw Alas Pilipinas sa umaga ay merong “Lovely Rivero at Jojo Alejar. ‘Yun ang wala sila, hahaha!”
Dagdag na sabi pa ni Jojo sa wikang ingles ay… “This is a lifestyle magazine show set in their heartland of the viewers. This is the right time for this kind of show and it will resonate with our viewers in the country this season. A segment of the show, Ronda Patrol Alas Pilipinas sa umaga will have the Ronda Squad reports, committed to contribute to the establishment of the country order based on freedom and lasting peace. We will ensure the lasting effectiveness of peacekeeping operations to build partnership with the stakeholders.”
Info naman ng isa sa producers ng naturang tv program sa wikang ingles din ay… “The positioning of the hosts develop an analytical structure that explores the frame of friendship with viewers. This is fundamentality program of realities of life, experience and public service.”
K, noted.
So let’s all welcome Lovely Rivero and Jojo Alejar, former teen members of That’s Entertainment in the 70’s and now in their mid-50’s as new TV host tandem ng Alas Pilipinas Sa Umaga ng TV5.
Comments are closed.