BEA BINENE PINAGSABAY ANG PAG-AARAL AT SHOWBIZ

bea binene

BUKOD sa kanyang bagong teleseryeng “Beautiful Justice” ay naka-enroll din si Beahotshots Binene sa Center for Asian Culinary Studies in San Juan City.

Gusto raw kasi ni Bea na mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa pag­luluto ng iba`t ibang putahe at pag-bake ng pastries.

“Marami  pa akong  gustong matutunan tungkol sa pagluluto at baking kaya nag-take up ako ng Professional Culinary and Pastry Arts.

“Bukod  po kasi sa cooking and baking, napag-aaralan po namin ang tamang sanitation, nutrition, restaurant operation, commercial cooking  and baking,”  say ni Bea.

Tila namana ni Bea sa kanyang ama ang maging isang negos­yante. Bata pa lang kasi si Bea ay marunong na itong magnegosyo. Kamakailan lang ay nagbukas siya ng isang coffee business na Mix & Brew Coffee na matatagpuan sa SM Megamall.

“Start  small po muna tayo. ‘Yung coffee business ko, parang  kiosk lang siya. Mas praktikal po for a start-up business. Kung mag-store ka agad, mas malaki  ang  gastos mo considering you are up against sa ibang mas popular na coffee shops,” nakangiting say ni Bea.

Pagdating naman sa pag-ibig ay wala pa rin raw siyang napupusuan dahil mas focus daw siya sa kanyang showbiz career at saka bata pa raw siya para pagtuunan ng seryosong pansin ang pakikipagrelasyon.

Hindi naman daw hinahanap ang isang relasyon. Kusa raw itong dumarating sa buhay ng isang tao. Kapag duma­ting, sa ayaw at gusto mo ay wala kang magagawa kundi sundin ang nakatakdang kapalaran.

Pagdating naman sa kissing scene sa isang serye or movie project ay nandiyan naman daw ang kanyang ina na laging niyang kasama sa taping.

“Nandiyan naman lagi si mama. Kapag pumayag siya ay okey na rin sa akin,” aniya.

ANGEL LOCSIN ‘DI MAKAHINGA, LAGLAG SA PROMO NIYA SA GENSAN

HINDI nakapunta si Angel Locsin sa General Santos para sa promo ng kanyang Angel locsinseryeng The General`s Daughter.

Kung pagbabasehan ang ipinost niyang medical certificate ay nagkaroon siya ng parathoraxic muscle strain and difficulty of breathing.

Kaya pinayuhan siya ng kanyang doctor na magpahinga ng tatlong araw para hindi lumalala ang iniindang karamdaman.

“I`m so sorry GenSan. Super excited pa naman akong makasama kayo. Don’t  worry, I`m okey…masamang damo alam nyo na…Hehehe. Pero babawi po ako sa inyo pagpunta ko po diyan,” bahagi ng post ni Angel sa kanyang Twitter account.

Kaagad naman nagpadala ng kani-kanilang message ang kanyang mga followers at tagasuporta.

oOo

CONGRATULATIONS sa dalawang mapalad na contestant ng Tawag ng Tanghalan sa It`s Showtime para mapasama sa grand finals ng nasabing singing contest.

Pero hindi pa rin maiiwasan na makarinig ng mga negative reactions ang mga tagasubaybay ng nasabing singing contest.

May nagsasabi na kapag idinaan daw sa text vote ang mananalo at dapat mapasama sa grand finals ay asahan na hindi ‘yung talagang magaling kumanta ang mananalo.

Mas hamak na maga­ling daw ‘yung mga talunan singer kumpara sa tinanghal na winner sa contest.

Bentahe na raw sa mga sasaling contestant ang maraming tagasuporta dahil sigurado na silang mapapasama sa top 2 at top 3 kumpara sa mga walang gaanong suporta pagdating sa pagte-text vote.

Well, kadalasan naman ‘yung mga natatalo sa ganyang singing contest ay mas sumisikat pa kaysa sa tinanghal na champion.

Comments are closed.