BEA-DOMINIC, LANTARAN NA ANG RELASYON

LANTARAN na ngayong ipinapa­ngalandakan ng aktor na si Dominic Roque ang sweet photos nila ng kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account. Although isang group photo ang kanyang latest post, agaw-eksena ang kuha nila na nakatayo at nakayakap sa kanyang likuran si Bea habang hawak niya ang kamay ng aktres. Kuha ang nasabing larawan sa camping trip nila sa Amerika.

May kissing photo ring inilabas sa kanyang IG si Bea matapos ang back hug namang ipinost ni Dominic. Mabilis ding nag-viral sa social media ang romantic photo nila ni Dom na magka-holding hands noong mag-celebrate ng kanyang 31st birthday ang aktor. Mas lalong kinilig ang mga tagahanga nina Bea at Dominic nang makarating sa kanilang ‘Hon’ ang term of endearment ng dalawa.

Gets na ng kanilang  supporters na pareho silang naghintay ng ti­ming ng kanyang ex-bf na si Gerald Anderson at gf nito ngayong si Julia Barretto sa paglalantad ng bago nilang relasyon, para nga naman walang violent reaction ang fans nila. Ngayong pareho na silang happy sa bago nilang karelasyon, wala nang bitterness at wala na ring issue.

Sa August daw babalik sa Pilipinas sina Bea at Dominic. Matapos mag-unwind sa US ang bagong Kapuso actress, sasabak na agad siya sa kanyang unang teleserye na itinuturing niyang dream project, kaya naman excited na siyang gawin ito, pati na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Alden Richards na A Moment to Remember. One thing we are sure, ngayong nadikit ang pangalan ni Dominic kay Bea, tiyak na may mga proyektong iaalok sa kanya ang Kapamilya network. In fairness, may ibubuga naman talaga siya sa pag-arte.

***

MAINE MENDOZA ALL-OUT SUPPORT SA KANDIDATURA NI ARJO ATAYDE

Ngayong confirmed na ang pagkandidato ng Bagman actor na si Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City bilang Congressman, pihadong tutulong ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza sa pangangampanya. Tiyak, lagi siyang makikita sa mga gathe­rings at iba pang mga proyektong gagawin ni Arjo. Nasa Baguio City raw ngayon ang aktor para sa lock-in shoot ng bago niyang TV series, pero bago siya umalis ay siniguro niyang naipamahagi na niya ang 20 L300 vans bearing the logo “Aksyon Agad” na donasyon niya para sa mga barangay ng District 1 ng Quezon City.

Last July 9, ipinalabas sa Netflix ang dalawang episode ng pinagbidahan niyang iWant series, ang action-drama na “Bagman”. Very timely ito sa nalalapit na eleksyon.

“Even if it’s just a coincidence, with the national elections just around the corner, I can’t think of a better time for people to watch the series. I just hope that somehow, it will help them make the right decisions in choosing our country’s next leaders,” sabi pa ng aktor. Dagdag pa niya, “I believe in stories that have to be told. My passion as an actor goes beyond (karakter) and I always try to look for that depth in my character – something that I can learn – and definitely, Benjo has been an eye opener for me on so many levels.”

Si Arjo ay gumaga­nap bilang si Benjo Malaya sa “Bagman” na na­ging gobernador at ma­raming natutulungan. Bagay ito sa kanya dahil sa totoong buhay ay may puso talaga siya sa mahihirap.

***

EX-STAR

IN A MILLION FINALIST NAGHAHANDA PARA SA KANYANG LA

CONCERT

Mula nang mag-mig­rate sa Amerika si Garth Garcia noong 2017, tuluy-tuloy ang natanggap niyang magagandang blessings. Ngayong ta-on, tatlong malaking bagay ang kanyang ipagdiriwang — ang kanyang upcoming concert, CD release, at ang kanyang nominasyon sa 12th Star Awards for Music.

On the 31st of July, Garth is mounting his “Hits Reimagined” concert. At the same event, he will also be having a CD release party. He will also be signing CDs. Tracks included in the Album are “All this Time,” “Dreaming of You,” “Together Again,” “Exchange of Hearts,” and “Do You Miss Me?” Sa Common Room of Thymele Arts, located at 5481 Santa Monica Blvd., Los Angeles, CA 90029 gagawin ang naturang con-cert.

Binansagan si Garth na Fil-Am Prince of OPM ng Fil-Am media sa California. Makakasama niya sa nasabing concert sina Enzo Morales, Rozen, Janice Javier, at SoCal Kollective Live bilang  guest-performers.

Na-nominate siya sa 12th Star Awards for Music for Best RNB Artist sa awiting “Asian Girls.” Na-nominate rin siya sa Outstanding Filipi-no Awards 2021.

Liban sa kanyang singing career, natapos na niya ang kanyang postgraduate studies sa Harvard School of Business, at nakapagtayo na siya ng events business na tinawag niyang Doctors on the Go and Starlink Productions.

4 thoughts on “BEA-DOMINIC, LANTARAN NA ANG RELASYON”

  1. 787176 302370I discovered your blog post internet internet site on the search engines and appearance several of your early posts. Always sustain the top notch operate. I additional the Feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading much much more on your part down the line! 855883

  2. 529374 261389Considerably, the story is in reality the greatest on this noteworthy subject. I agree along with your conclusions and will eagerly watch forward to your next updates. Saying nice 1 will not just be sufficient, for the fantastic clarity inside your writing. I will immediately grab your rss feed to stay privy of any updates! 378790

Leave a Reply

Your email address will not be published.