BEA, GERALD AT JULIA PARE-PAREHONG BIKTIMA NG KAGAGAWAN NILA

MAY nagtanong sa FB, sino raw ba ang naging biktima kina Bea Alonzo at Julia encounters with pmBarretto sa isyu kay Gerald Anderson?

Simple lang ang isinagot ko.

“Hindi na kailangang itanong kasi lahat sila biktima ng mga choices nila. Simple lang. Anuman ang gawin mo tama man o mali, be ready for the consequence/s. Ganoon ‘yun. Simpleng rule ng buhay. Sa bawat action, may reaction. They chose to have a moment of pleasure na may katumbas na lifetime of pain. May pumili to wallow in sacrificing  to keep on moving. Natapos na ang kasarapan o ipinagpapatuloy pa. Darating pa lang ang kahihinatnan nila bukas.

In the now, at the moment, the truth is the only thing that will set all of them free! ‘Di ba? #akalainmonaihiritkoito

SUNSHINE CRUZ ‘DI PINAPANOOD ANG BF SA KANYANG PELIKULA

SA gala ng “Malamaya” sa Cinemalaya na ginanap sa CCP (Cultural Center of the sunshine cruzPhilippines) na pinagbibidahan nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda, nausisa namin ang aktres kung bakit wala ang kanyang partner na si Macky Mathay.

Ang dalagita niya ang kasama ni Sunshine dahil suspended daw ang klase nito sa Cavite.

“May usapan naman kami ni Macky. If he wants to get hurt kung mapanood niya ang movie, eh nasa kanya na ‘yun. Kasi, may baring scenes ako rito dahil ‘yun ang required sa character ko as Nora S. Para hindi na rin maging isyu. He supports me naman when it comes to my career. But of course, ii­ngatan mo rin naman ang mga bagay na alam mo na baka maging simula pa ng selosan. Wala naman siyang ipag­seselos. Ginawa lang naman namin what was required of us.

“And una ko itong sabak sa Cinemalaya. Kaya, ang laki ng pasasalamat ko kay Albert Mendralejo for considering me sa role ni Nora S. I am honored. Working with two fresh directors was a breeze. Sana, maulit na makagawa pa ako uli for Cinemalaya. Dream come true!”

Punumpuno ang Main Theater ng CCP sa mga dumalo para saksihan si Sunshine na hindi naiwasang ang pagpapa-sexy niya (uli!) sa pelikula ang pinag-usapan!

Sexy pa rin namang talaga ang ina ng tatlong dilag. Flawless!