ORIENTAL MINDORO- TINIYAK na ligtas ang isa sa top travel destinations ng Mindoro na Puerto Galera na kung saan safe ito para sa mga dayuhan at turista na magbabakasyon ngayong Summer season at inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.
Una nang kinumpirma ng municipal government ng Puerto Galera na ligtas sa oil spill ang isla kasabay ng pagsiguro sa kaligtasan ng mga bakasyunista na inaasahang dadagsa ngayong long weekend ng Semana Santa.
Ayon kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, walang nakitang bakas ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress at nananatiling maganda ang malapulbos na buhangin ng beaches at baybayin .
Matatandaang apektado ng ilang parte ng Mindoro sa pagkalat ng makapal na bunker oil mula sa MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro noong nakaraang Pebrero 28.
Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco, “As far as the top attractions in that particular area, including Puerto Galera, were pleased to inform the public that they are still at over 90 percent capacity as far as reservation is concerned. We invite our fellow Filipinos to patronize Puerto Galera kasi patuloy po ang kanilang tourism offerings.”
Ang Puerto Galera ay matatagpuan sa south part ng Mindoro Island at sikat ang isla sa magandang beach resorts dito at mga pagkaing Mindoro.
VICK TANES