BEATRICE LUIGI GOMEZ HINDI NAKAABOT SA TOP 5

Natapos na ang journey ni Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe pageant matapos iutong hindi makapasok sa top 5.

Nakaabot naman si Gomez sa question-and-answer portion. Ang tanong ay mula kay Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, kung ano raw ang opinion niya sa mandating a universal vaccine passport.

Sinagot niya ito ng “I believe that public health is everyone’s responsibi­lity and to mandate vaccine and inoculation is necessary,” Gomez aniya. “If mandating vaccine passport would help us in regulating the rollout of vaccine and mitigate the situation of the pandemic today, then I would agree on mandating the necessary passport of vaccination.”

Ang mga kandidatong nakapasok sa the top 3 ay sina Miss South Africa, Miss India at Miss Paraguay.

Samantala, ang bagong Miss Universe 2021 ay ang Miss India na si Harnaaz Sandhu. Tinalo ni Sandhu ang iba pang 79 candidates sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Eilat, Israel noong December 13.

Kinoronahan si Sandhu ng kasalukuyang Miss Universe 2020 na si Andrea Meza ng Mexico.

Si Nadia Ferreira ng Paraguay ang nakakuha ng first runner-up at si Lalela Mswane naman ng South Africa ang second runner-up.

Sa final question-and-answer portion, itinanong sa mga kandidata na: “What advice would you give to young women watching on how to deal with the pressures they face today?”

“Come out, speak for yourself, because you are the leader of your life,” ang sagot ni Sandhu.

Si Sandhu ang ikatlong Miss Universe na mula sa India na nakasakote ng korona.

Kahit hindi nakapasok sa top 3 si Gomez, pambato ng Pilipinas, malaking bagay pa ring nakapasok siya sa top 5. Si Gomez ay isang Navy reservist at model na taga-Cebu, at ang kauna-unahang gay representative mula sa Pilipinas sa Miss Universe pageant na ipinagmalaki ang kanyang gender preference.

Bakagi si actress Marian Rivera ng all-female panel of the judges. Kasali rin siya sa selection committee ng preliminary competitions na puro babae rin. Si Iris Mittenaere, ang French woman na kinoronahan sa Miss Universe pageant sa Pilipinas noong January 2017, ay isa rin sa mga judges.

Ang apat na Miss Universe winners ng Pilipinas ay sina Gloria Diaz, 1969; Margarita Moran, 1973; Pia Wurtzbach, 2015; at Catriona Gray, 2018.

Maaalalang ang      unang Miss India na nanalo sa Miss Universe ay si Sushmita Sen, noong 1994, kung saan ginanap ang pageant sa Pilipinass. — KAYE NEBRE MARTIN