BEAUTY AT WOMEN EMPOWERMENT

THE AESTHETICS STUDIO

HANDOG NG THE AESTHETICS STUDIO BY KRISTINE LUCAS

BEAUTY at Women Empowerment, ito ang adbokasiya ng isang entrepreneur na dating nasa “corporate world”. Dati siyang marketing manager ng kilalang I.T. company na ginamit ang pagkahilig sa pagpapaganda at iniwan ang magandang karera, pinaghusay pa ang sarili sa pagkuha ng formal training sa pagmi-make-up na naging daan naman sa maraming oportunidad para umasenso sa buhay.

Halos nasa ikatlong taon na ngayon ang The Aesthetics Studio rito sa Alabang na mayroong Permanent Make-up Academy PH na sangay sa Chino Roces, Makati City. Pag-aari ito ni Kristine Lucas, isang mapagmahal na asawa, ina ng tatlong anak at successful entrepreneur na rin dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga kliyente at estudyante sa kanilang school o studio.

Kuwento ni Lucas, “Dapat mag-invest po sa sarili at mag-aral para lalo pang mahinang nang mabuti ang talento natin dahil hindi ito maaagaw sa atin at maaari pang maipamana sa ating mga anak. ‘Pag mayroon kaunting kita, mag-enroll sa training center para may bagong matutunan.”

Mahalaga rin aniya na mabigyan ng nutritional health suggestions ang kanilang mga kliyente kung anoTHE AESTHETICS STUDIO-2 ang tamang pagkain sa body or blood type nito para magkaroon ng improvement sa ipinagagawa ng kanilang customer.

“We believe that beauty should be very natural, that’s why po we choose the best products for the clients that are natural, not synthetic,” pahayag ni Lucas.

Dahil tatlong taon na nga ang kanilang studio, masasabing sila ang maituturing na “pioneer” sa industriya ng permanent make-up na maraming nag-susulputan na “kilay at make-up is life” services.

Hinihikayat ni Kristine Lucas ang mga kababaihan o maging ang mga LGBT na mahilig sa pagpapaganda na gamitin nila ang kanilang talent. Paghusayin pa nila ang kanilang sarili sa mga training center or studio tulad ng Permanent Make-up Academy PH para matulu­ngan sila ng mga tamang pamamaraan at kalidad na serbisyo.

“Our advocacy is to empower women and LGBT sector through having a fulfilling business that they love. We teach and groom our students to be independent, to be able to provide for their family while doing something that they don’t feel they’re working at all because as they say, when you are doing something you love, you won’t work a day in your life. By teaching topics in the beauty business they get to earn a living while doing something they enjoy and at the same time, make their clients feel happy and confident,” ayon kay Lucas.

Tinutulungan din ni Lucas ang mga kapos na makapag-aaral sa TESDA nang mabigyan ng “sponsorship” ang mga estudyante na gustong matuto.

“Bukod sa pagtulong sa kapos na students, nagpapa-exam na rin po tayo sa TESDA kaya dalawa po ang certificates na naibibigay—sa company at sa gobyerno,” ani Lucas.

Hindi pa aniya for franchise ang kanilang negosyo dahil katwiran ni Lucas, “Hindi pa po ako nagpa-franchise kasi po ‘yung student namin dito, tinutulungan na­ming mag-start ng sarili nilang negosyo.”

Nagsimula siyang mag-training locally sa Basement Academy (HD Academy na ngayon), Center for Aesthetics Sciences (CAS), Make-up Forever at Kyolan Philippines.

Dahil nais pang matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling school, makilala sa industriya, at makapagbigay ng dekalidad na serbisyo, nag-aral na rin sa abroad si Tin Lucas. Ipinagpatuloy niya ang make-up training sa Kryolan at Muse Beauty Pro sa San Francisco, California, Salon Boutique Academy sa USA at maging sa Yumi Lashes sa Beverly Hills, Los Angeles.

Kalaunan, nang mapagtanto niyang papatok ang permanent make-up, kumuha agad siya ng lessons sa Eyebrow Embroidery & Permanent Make-up sa Aesthetics International Academy sa Singapore, Pitangui Lee Na Young Academy sa Korea, Biotouch sa US at dumalo rin sa permanent make-up convention sa Amsterdam, Netherlands.

Dahil dito, unti-unti nang nakikilala si Lucas at naging guest make-up artist sa kilalang Jing Monis Salon sa Greenbelt at Alabang. Nagkaroon ng iba’t ibang proyekto sa TV Networks at sa mga kilalang personalidad tulad nila Cristine Reyes, Danico Sotto, Denise Laurel, Jonalyn Viray at Tweetie De Leon at maging sa kilalang broadcast journalist na si Mike Enriquez at marami pang iba.

“Everyone is beautiful. Let me enhance it naturally and not mask the real beauty of the person,” ani Tin Lucas.

Matatagpuan ang The Aesthetics Studio by Kristine Lucas sa LG8 Richville Corporate Tower, Alabang-Zapote Road, Madrigal Business Park, Ala-bang, Muntinlupa City.

Mag-inquire sa numerong 0917-5334348 para sa kanilang mga serbisyo.

Comments are closed.