PINAG-UUSAPAN ngayon ang diumano’y pagbubuntis ng isang isang beauty queen-turned actress courtesy of a popular senator.
In fairness, binata naman si senador at wala rin namang problema kay beauty queen dahil single na single rin ito tulad ni senador.
Samantala, nagiging bukas na si Bianca Manalo sa netizens tungkol sa kanyang lovelife kay Senator Win Gatchalian. Katunayan ay ipinakita pa nga ni Bianca ang larawan nila ni Senator Win sa mismong bahay ng huli, sa mismong araw ng Chinese New Year.
Ang unang larawan na pinost ni Bianca ay magkasama silang dalawa kung saan naka-Chinese outfit pa siya at may hawak na “ampao.”
Magkasama silang nag-celebrate ng Chinese New Year na hindi na nga itinatago ni Bianca. Mababasa sa mga comment sa post na tanggap ng mga taga-Valenzuela si Bianca.
May mga nagtatanong kung kailan daw magiging taga-Valenzuela si Bianca na ang ibig sabihin ay kung kailan sila magpapakasal.
Hindi kaya si Bianca Manalo ang naka-blind item na beauty queen-turned actress na buntis at ang ama ay si Senator Win ?
Mapapansin din kasi na madalas na wala na rin sa eksena ng Ang Probinsyano si Bianca. Kasama rin kasi si cast ng serye ni Coco Martin ang beauty queen-turned actress.
Well, if ever ay wala namang masama dahil pareho naman silang single at nagmamahalan.
MS. U PHILS GAZINI GANADOS NAKILALA NA ANG AMA
SA WAKAS, natagpuan at nakilala na rin ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang kanyang matagal nang hinahanap na biological father.
Isa sa mga goal niya kaya siya nangarap na maging beauty queen ay para magkaroon ng pagkakataon na makabiyahe at makilala ang kanyang ama na nakatira sa Palestine. Pero, ang kanyang ama na mismo ang nagpunta ng Pinas para sila magkita. Ayon kay Gazini ang pagkikita raw nilang mag-ama ay ang “happiest day of her life.”
Ang post nga ng beauty queen sa IG:
“Surreal. Eversince I was a little girl, I have always heard the stories of how my mom and dad first met. The year was 1990. Venue, Shakey`s Pizza Parlor. Now here I am, 30 years later. The year 2020 at Shakey`s. Having my very first dinner date with my DAD! What a way to start my year!”
Lumaki si Gazini sa piling ng kanyang lolo`t lola sa Cebu. Sa nakaraang Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia ay umabot siya sa Top 20 at napanalunan niya ang Best National Costume award.
Hindi man siya nagwagi o hindi man naiuwi ang korona ng Miss Universe ay nakita at natagpuan naman niya ang kanyang biological father na matagal na niyang pinangarap sa buhay.
MIKAEL DAEZ MUKHANG MADUNGIS ANG HITSURA SA KANILANG WEDDING NI MEGAN YOUNG
IKINASAL na nga sina Mikael Daez at Megan Young sa Subic pero marami ang hindi gusto ang hitsura ng buhok ni Mikael na halos matakpan na ang kanyang kaliwang mata sa buhok nito.
Maging si Megan ay tila naalibadbaran sa buhok ni Mikael na inaayos pa ng una para makakita ng maayos habang sila ay ikinakasal.
Gusto yata ni Mikael na magpauso ng tabas ng buhok sa harapan ay sorry to say, walang gagaya ng kanyang hitsura na mukhang sanggano at marungis.
Well, sabi nga ay hayaan kung ‘yung ang magpapaligaya sa kanyang buhay.
Comments are closed.