BEAUTY TIPS NGAYONG TAG-ULAN

BEAUTY TIPS

PAGPAPAGANDA at pag-aalaga sa katawan, iyan ang dapat na isaisip natin ngayong walang tigil sa pagbuhos ang ulan. Kung magpapabaya nga naman tayo, tiyak na darapuan tayo ng klase-klaseng sakit. Paano na lang ang pagtatrabaho natin kung may iniinda tayong sakit? Paano na ang pangangailangan ng a-ting pamilya?

Bawal magkasakit, iyan ang dapat nating tandaan.

Napakahalaga nga namang healthy at maganda tayo ngayong tag-ulan nang matapos natin ang mga kaila-ngan nating gawin.

Kaya naman, narito ang ilang tips na nararapat nating isaalang-alang para hindi magkasakit at patuloy nating ma-gampanan ang gawaing nakaatang sa atin lalo na ngayong lantad tayo sa iba’t ibang uri ng sakit:

HAIR CAREHAIR CARE

Maulan man o mainit ang panahon, lagi na-ting inaalala ang ating buhok. Isa nga naman ang buhok sa dapat i-ngatan at alagaan dahil nakapagbibigay ito ng ganda sa ating kabuuan. Kung maganda ang buhok, maganda rin ang aura natin.

Madalas ding buhok ang unang napapansin sa isang tao. Kakaiba nga naman kasi ang naibibigay ng buhok sa isang tao. Kapag inalagaan ito, pandagdag din ng ganda.

Ngayong tag-ulan, hindi maiwasang ma-ging dry at frizzy ang ating buhok. At dahil isa sa problema ng marami ang buhok, narito ang ilang tips na kailangang isalaang-alang:

KAPAG BASA  ANG BUHOK, HUWAG TA­LIAN. Kapag aalis ng bahay, siguraduhing tuyo ang buhok. Marami sa atin ang lumalabas ng bahay na tumutulo pa ang buhok. Tinatamad kasing magpatuyo.

Madaling kapitan ng dumi ang basang buhok kaya nararapat lang na iwasan. Huwag din munang tatalian ang buhok lalo na kung basa pa ito.

GUMAMIT NG MAGANDANG CONDITIONER. Gumamait din ng magandang conditioner para maiwasan ang pagda-dry ng buhok. Maraming conditioner ang maaari mong pagpilian. Mayroon ding herbal conditioner na puwedeng subukan. Piliin din ang mga conditioner na hindi matapang nang ‘di masira ang buhok.

IWASAN ANG MGA HAIR PROCEDURE. Kapag ganitong malamig ang panahon, iwasan din ang samu’t saring hair proce-dures gaya ng straightening at curling. Oo nga’t maraming kababaihan ang kinahihiligan ang ganitong mga bagay. Ang mga ganitong procedure ay nakapagdudulot ng paghina o pagiging weak ng buhok. Hindi lamang din sa tag-ulan ito dapat iwasan kundi sa kahit na anong panahon. Nakasisira ng buhok ang ilang procedure kaya’t kung gagawin  ito, mag-ing maingat at mapili.

MAKEUP CARE TIPS

Sa kahit na anong panahon, hindi puwedeng mawala ang makeup sa ating mga kababaihan. Todo-effort pa nga tayo para lang hindi mahulas ang ating makeup lalo na kung sobrang init at kapag malakas ang ulan.

Kunsabagay, mara­ming makeup na sa panahon ngayong ang maaari nating pagpilian. Mga makeup na waterproof.

Pero sabihin mang waterproof ang gagamitin mong makeup, may tips pa ring kailangang tandaan sa paglalagay nito para hindi magmukhang sementado ang mukha mo sa kapal. Na-rito ang ilang tips:

Make-upIWASAN ANG PAGLALAGAY NG MAKAPAL NA FOUNDATION. Kung may discoloration o problema sa mukha na sanhi ng pimples at aging, isang paraan ay ang paggamit ng foundation. Usong-uo ito sa marami.

Marami ring klase ng foundation ang puwedeng pagpilian, cake foundation, liquid foundation at ang cushion founda-tion. Ang dami nga namang naglalabasan pero ang tanong, epektibo nga ba ito para maitago ang wrinkles at pimple marks?

Kung susuriin naman natin, may kakayahan ang foundation na maitago ang wrinkles at marks sa mukha. Gayunpaman, pansamantala lamang ang solusyong ito. Kapag natanggal o inalis na ang makeup, mapapansin pa rin ang marks at wrinkles. Kaya ma­inam din ang paggamit ng cream na makapagpoprotekta sa mukha laban sa pagtanda. May mga cream din ngayon na nakatatanggal ng marks na puwedeng subukan.

At sa mga hindi maiwasan ang paggamit ng foundation, huwag masyadong kakapalan sapagkat tiyak na kapag nabasa ka, mapapansin ito. Hindi rin ito magiging natural tingnan. Pumili rin ng mga foundation na swak sa kulay ng iyong balat.

GUMAMIT NG CREAM BLUSHERS. Kung may iba’t ibang klase ng foundation na maaaring gamitin, mayroon din namang klase-klaseng blush.

Kapag ganitong tag-ulan, mainam gamitin ang cream blush kaysa sa powder blush. Kahit nga naman mabasa ito ay hindi matatanggal.

Hindi rin ito mukhang cakey kapag nababasa.

GUMAMIT NG WATER RESISTANT MASCARA. Para nga naman maging buhay na buhay ang mata, isang magandang op-siyon ang paglalagay ng mascara. Maganda ang kabuuan ng mukha kapag mapi­pilantik ang pilik-mata.

Ngayong tag-ulan, kung hindi naman maiiwasan ang paggamit ng mascara, piliin iyong mga waterproof o water re-sistant na hindi kumakalat kapag aksidenteng nababasa.

LONG LASTING LIPSTICK. Maraming kababaihan ang hindi nakaaalis ng bahay ng walang lipstick. Kapag tag-ulan, piliin ang mga lipstick na tumatagal at hindi basta-basta natatanggal kapag nababasa ng ulan.

Isa rin sa best choice ang matte lipstick. Iwasan ang mga lip gloss dahil nagiging sticky ito at mabilis na kumakalat kapag nababasa ng ulan. Para rin tumagal ang lipstick, maganda kung pipiliin ang medyo dark na kulay.

FOOT CARE

FOOT CAREKapag tag-ulan, hindi mo puwedeng ipagwalang bahala ang paa. Isa ito sa lantad sa dumi kaya’t kailangang ingatan at alagaan.

Kaya narito ang ilang tips para mapangalagaan ang mga paa:

MADALAS NA HU­GASAN ANG MGA PAA. Huwag tamarin sa paghuhugas ng paa lalo na kung galing sa labas at nabasa ito ng ulan. Matapos ding mahugasan ay patuyuin ito gamit ang towel. Siguraduhing napupunasan at natuyo ang pagi-tan ng mga daliri  dahil kadalasang sa mga bahaging iyon nagsisimula ang fungal infections. Mag­lagay rin ng moistuirizer sa paa.

LIMITAHAN ANG PAGSUSUOT NG HIGH HEELS. Nakagaganda nga naman ang pagsusuot ng high heels ngunit kailangan itong limitahan hindi lamang ngayong tag-ulan kundi sa kahit na anong panahon.

Maraming problema ang naidudulot ng pagsusuot ng mga sapatos na may matatas na takong gaya na lamang ng joint pain, lower back pain, calluses, sprained ankles at marami pang iba.

Kung hindi naman maiwasan ang pagsusuot ng high heels, piliin ang akmang sapatos.

Dapat din ay hindi gaanong mataas ang takong nang hindi mahirapan at manakit ang mga paa. Importante rin ang pagi-ging komportable ng mga paa sa gagamitin o susuoting sapatos.

HUWAG MAGSUSUOT NG SAPATOS KUNG BASA ANG PAA. Huwag na huwag ding magsusuot ng sapatos kapag basa ang mga paa dahil maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon ng amoy.

Siguraduhin ding nakapagpapalit ng medyas at huwag nang ibalik ang nasuot na. At higit sa lahat, siguraduhing tuyo ang sapatos na gagamitin nang hindi ito pagmulan ng problema.

Napakaraming pa-raan upang mapanatili nating healthy at maganda ang ating kabuuan ngayong tag-ulan.

Maging maingat lang tayo. Huwag maging pabaya sa sarili.  (photos mula sa google) CS SALUD

Comments are closed.