BEBOT, 3 PA ARESTADO SA DROGA

DRUGS

CALOOCAN CITY – ARES­TADO ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang babae sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa lungsod na ito.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit head PSI John David Chua ang mga naarestong suspek na sina Cristy Carreon, 23, ng Calle Quatro, Brgy. 178, Dante Guzarem, 25, ng G.P Borromeo St., Brgy. Longos, Malabon City, Jayson Toria, 27, ng Espiritu St., Brgy. Tinajeros at Nelson Herrera, 25, ng Del Pilar St., Poblacion, Calumpit, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Aian-Jay Gamayon, dakong alas-2 ng hapon nang isagawa ng pinagsanib na mga operatiba ng SSOU at SDEU ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Calle Quatro.

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek nang iabot na ang isang plastic sachet ng shabu sa isang undercover police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money. EVELYN GARCIA

Comments are closed.