BEBOT, 3 PA NALAMBAT SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS

arestado

QUEZON – ARESTADO ang 4 katao kabilang na ang isang babae habang isa ang nakatakas sa magkahiwalay na drug ope­ration na isinagawa ng mga operatiba ng Quezon City Police Department (QCPD) Police Station 4 sa Lungsod ng Quezon kamakalawa.

Batay sa report na isinumite ni P/Captain Dennis Francisco kay P/Lt. Colonel Rossel Cejas, QCPD-PS4 Commander, ang unang nasakote ay nakilalang sina Arturo Filiu Mariano alyas Supremo, 53, nakatira sa Mariano Compound, Area 6, Sitio Cabuyao, Brgy. Sauyo, at may pending case na kasong homicide; Jimmy Balancia Rodriguez alyas Tanso, 33; Marvin Amar alyas Marvin, 24; Ruby Bilicora Mariano,  alyas Ingkit, 30; at ang nakatakas na si Chuckie Mariano, pawang nakatira sa Mariano Compound, Area 6, Sitio Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City,

Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat nang may hawak ng kaso na nakilalang si P/Cpl. Reymark Soneja, naganap ang buy bust operation dakong alas-4 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nagsagawa ang mga operatiba ng surveillance sa naturang lugar at nang matiyak na positibo ang kanilang pakay ay agad na na­kipag-ugnayan ang mga ito sa PDEA ng Quezon City.

Agad na tinungo ng mga tauhan ni Francisco ang target nilang lugar at dito isinagawa ang naturang operasyon na nagresulta sa pag kakadakip sa apat na suspek at pagkakakum­piska ng mga ebidensiya.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakilalang si Chuckie Mariano matapos na matunugan nito ang isinagawang buy bust operastion.

Ang naturang mga suspek ay kasaluku­yang nakapiit sa PS 4 habang ihinahanda pa ang kauku-lang kaso na isasampa laban sa kanila. EVELYN GARCIA

Comments are closed.