NAVOTAS CITY – KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang babae matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Deputy Chief for Operation PCI Ilustre Mendoza ang mga naaresto na sina Efren Pejante, 43, ng Prime Pacific Marine, Brgy. NBBN; Joey Tambio, 33, ng Brgy. San Roque; Danilo Cresencia, 47, at Marietta Panlilio, 19, kapuwa ng 207 Feliza Bukid, Parada St., Valenzue-la City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Philip Edgar Valera, alas-5:20 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa ilalim ng supervision ni SPO3 Marcus Hizon sa kahabaan ng Road 10, Brgy. NBBN nang hindi pansinin ang mga ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at takbuhan sila.
Hinabol ang mga ito ng mga pulis hanggang sa makorner sa loob ng Prime Pacific Marine, Construction Company at narekober sa mga suspek ang siyam na platic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at P2,520 cash. EVELYN GARCIA
Comments are closed.