BEBOT LUMAKLAK NG SILVER CLEANER

SILVER CLEANER

MALABON CITY – NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pag-­inom ng silver cleaner ang isang 23-anyos na babae makaraang makaaway ang kanyang live-in partner.

Kinilala ni Malabon Police Chief,  Sr. Supt. Jessie Tamayao ang biktima na si Hazel Grace Abarquez ng 38 Malian St. Brgy. San Agustin.

Sinabi sa pulisya ni Ken Alamo, pinsan ng biktima, huling nakitang buhay ang kanyang pinsan alas-2 ng hapon na nanghiram sa kanya ng silver nitrate.

Nang tumanggi si Alamo sinabi ng biktima “Ayaw mo, eh di bibili na lang ako” sabay umalis ng bahay.

Dakong alas-5:20 ng hapon, nagtungo si Alamo sa roof deck ng kanilang bahay upang kumuha ng mga damit at nang buksan nito ang pinto ay bumulaga sa kanya ang bangkay ng pinsan kaya agad nitong ipinaalam sa kanilang pamilya.

Lumabas sa imbestigasyon nina SPO1 Jherico Pascual at PO2 Joenel Claro, unang nakaaway ng biktima ang kanyang live-in partner batay sa kanilang palitan ng mensahe na nakuha sa cellphone.

Dagdag pa na pahayag sa pulisya ni Shiela Mae Alamo, sinabi sa kanya ng biktima na gusto na lamang nitong magpakamatay dahil hindi na kaya ang dinadalang suliranin.

Lumagda naman sa isang waiver ang legal guardian ni Abarquez na si Virgilio Alamo  na hindi na sila interesadong paim­bestigahan ang pagpapatiwakal ng pamangkin. EVELYN GARCIA

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *