QUEZON CITY – ARESTADO ang 23-anyos na babae nang ipabenta ang dalang droga sa isang undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang shopping mall sa Novaliches.
Kinilala ito na si Roselle Bolivar ng Caloocan City.
Ayon kay Director Joel B. Plaza III Regional Director ng PDEA RO-NCR, nadakip ang suspek matapos na ito ay makipagkasundo at makipagkita sa agent ng PDEA.
Naganap ang transaksiyon sa parking lot ng isang shopping mall sa Brgy. Pasong Putik, Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.
Narekober kay Bolivar ang 5 nakataling plastic ng shabu na tumitimbang ng halos kalahating kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.