BEBOT TINORTURE SAKA BINARIL

Torture

ISANG babae na pinaniniwalaang tinorture bago pinagbabaril ang natagpuang patay sa highway sa Taguig City.

Ang biktima na nakilala sa TIN number nito na natagpuan sa loob ng bag ay nakilalang si Hasmin Undong, 43, at nakatira sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa pulisya ang biktima ay nagtamo ng galos sa dalawang kamay at tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pahayag ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ng isang concerned citizen dakong 6:00 ng umaga sa may C-6 Service Road kanto ng Pulong Kendi St., Sta. Ana, Taguig City na agad namang tumawag ng police assistance.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Southern Police District-Scene of the Crime Operatives (SPD-SOCO) sa pangunguna ni Colonel Jayson Ermina ay nakuha ang limang fired cartridge ng caliber 5.56 ml rifle, dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng shoulder bag ng biktima na tumi­timbang ng 5 hanggang 6 na gramo.

Nakuha rin mula sa crimes scene ang tatlong cable ties sa tabi ng biktima na pinaniniwalaang ginamit bilang pangtali sa dalawang kamay nito. MARIVIC FERNANDEZ