BEBOT UTAS BUNDOL NG SUV

LEYTE- HINDI na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 18 anyos na babae matapos na mabundol ng Sports Utility Vehicle sa Albuera ng nasabing lalawigan.

Batay sa report ng pulisya, ang biktima ay nakilalang si Sydney Bismonte at residente ng Barangay Poblacion, Albuera, Leyte.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng bisikleta at habang binabaybay ang kahabaan ng National Highway ay nahagip ito ng SUV.

Nabatid na tinangka umanong mag-overtake ng SUV sa isang sasakyan subalit nabundol nito ang biktima sa kabilang linya ng highway.

Sa sobrang lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ang biktima at tumama ang ulo nito sa sementadong kalsada na siyang naging dahilan ng maagang pagkamatay nito. EVELYN GARCIA