BEDAN COMMUNITY NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI SUDAN DANIEL

IKINABIGLA ng Philippine basketball community ang pagpanaw ni Sudan Daniel, siyam na araw lamang matapos ang kanyang ika-33 kaarawan.

Batay sa report, si Daniel ay dumanas ng major asthma attack habang nagbabakasyon kasama sina fellow former San Beda players Anthony at David Semerad, gayundin ang kanilang mga girlfriend na sina actresses Sam Pinto at Gwen Zamora, sa Calatagan, Batangas.

Naisugod pa ang dating foreign student-athlete ng San Beda sa kalapit na ospital subalit idineklara itong dead on arrival.

“This is unbelievable. [I] can’t believe this is happening. I will miss you my brother,” wika ni fellow former Red Lion Michole Sorela, na isa sa mga unang nagpahayag ng malungkot na balita sa social media.

Ang 6’7 American center ay naglaro para sa San Beda noong 2009-2010, kapalit ni Sam Ekwe.

Nakopo ni Daniel ang Rookie of the Year award noong 2009 at ang Most Valuable Player (MVP) at Defensive Player of the Year awards sa sumunod na taon.

Tinulungan niya ang San Beda na ma-sweep ang buong 2010 season, at nakuha ang Finals MVP award.

“The whole Bedan community mourns the passing of our brother Sudan Daniel,” pahayag ng unibersidad sa isang statement.

“You are always loved and never forgotten,” dagdag ni dating teammate Bam-Bam Gamalinda.

Matapos ang kanyang graduation noong 2012 ay nanatili siya sa Filipinas para magtrabaho, ang pinakahuli ay bilang hype man sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 kasama si rapper Mike Swift.

“You will be missed, Superman (Daniel’s moniker)! Thank you for the memories!” pahayag ng liga sa hiwalay na statement.

Comments are closed.